^

Pang Movies

P-Noy nailihim ang ex-GF

PARINIGA NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Jackpot kaagad ang pasabog ni Vice Ganda sa programa niyang Gandang Gabi Vice sa unang episode nito sa 2015 dahil nakahuntahan niya si P-Noy.

At least, hindi lang ang viewers ni Vice ang natawa kundi maging si P-Noy na ayon sa presidente ay pansamantala niyang nakalimutan ang mga problemang nakaatang sa kanyang balikat sa mga kalokohan ng komedyante.

Nabaliw si presidente, kahit na naging maingat pa ang TV host/comedian sa pakipagkuwentuhan nito sa Pangulo. Naipakita rin ni Vice ang soft spot ni P-Noy sa kanilang kuwentuhan.

Napaamin din ni Vice na seven months ago ay may naging karelasyon si P-Noy na clueless ang lahat kung sino ang girl.

Ang dami kong tawa nang ireto ni Vice si Doris Bigornia since mahilig si P-Noy sa mga  babaeng taga-media tulad ng mga naging GF nito na sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano. Pero sumagot si P-Noy na hanggang friends lang daw ang level na kaya niyang ibigay sa TV reporter. Kumabig din si P-Noy na nagdahilan na minsan daw kasi ay binabanatan siya ni Doris.

Tiyak na wala pa ring lusot si P-Noy sa mga detractors niya na nagawa niyang makipagbiruan kay Vice samantalang tambak ang problema ng bayan. Expected na ni P-Noy na sa kanya isisisi ang lahat ng problema kaya nga naging theme song na rin niya ang kantang Estudyante Blues.

Kai laging inaayawan ng lalaki

Kung marami ang nainggit kay Jennylyn Mercado dahil nakipaglampungan ito kay Derek Ramsay sa movie nilang English Only, Please, hindi rin nagpatalo si Kai Cortez  sa role nitong best friend ng aktres sa pelikula.

Pareho kasi silang bigo sa pag-ibig ni Jennylyn sa movie na ang BF ay si Kean Cipriano. Samantalang hirap naman si Kai sa kanyang role na maghanap ng nobyo. Lagi kasi siyang iniiwan ng mga men kapag nalalaman na may anak na siya.

Freelancer pa rin si Kai at kasama siya sa palabas ng GMA-7 na Once Upon a Kiss na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

vuukle comment

BERNADETTE SEMBRANO

BIANCA UMALI

DEREK RAMSAY

DORIS BIGORNIA

ENGLISH ONLY

ESTUDYANTE BLUES

JENNYLYN MERCADO

KAI CORTEZ

NOY

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with