^

Pang Movies

Huli ng mga kaibigan honeymoon sa Bora nina Dingdong at Marian hindi nailihim

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mukhang nag-try ang newly weds na sina Ding­dong at Marian Dantes na isikreto ang pagpunta nila sa Boracay, as promised sa Papa Fran Javier Alonso Gracia nila, na first time lamang nakara­ting doon, kaya hindi sila nag-post sa kani-kanilang Instagram (IG) accounts last Friday, January 2. Pero may nag-viber na sa amin at 1:37 p.m., na nagkausap sila nina Dingdong at Marian at nakilala na niya nang personal ang ama ni Marian, hindi na raw lamang sila nagpa-picture dahil magla-lunch raw muna ang mag-aama.

Then, nag-post na si Papa Fran ni Marian sa beach (sa Discovery Shores sila naka-check-in) pero wala siyang binanggit kung saan iyon. Then may post si Sancho Vito delas Alas kasama si Marian. (Crush na crush ni Sancho si Ma­rian kaya hindi kami magtataka kung sa una niyang project as a con­tract artist ng GMA Network, ay isasama siya sa bagong project na gagawin ng Primetime Queen pagbalik nila ni Dingdong sa kanilang honeymoon). At nag-post din si Tim Yap ng sweet na photo nina Dingdong at Marian with the caption na: “invading this couple’s honeymoon. Love bring the third wheel. Postcript to #DM123014. “

Last day today, January 4, ng newlywed couple and Papa Fran. Maghahanda na rin sa pagbalik sa Madrid, Spain ang ama ni Marian at sila naman ay maghahanda na rin para sa kanilang European honey­moon.

May lumabas ding balita na ang Dingdong-Marian wedding ay naging headlines din in Italy. Ang Italian report, translated in English ay, “The Marriage of Marian Rivera and Dingdong Dantes which combined two Filipino actors has been called The Royal Wedding of the Year.”

Jessica hinanap ang pinagmulan sa China

Iti-trace ng multi-awarded broadcaster na si Jessica Soho ang kanyang Chinese roots in a community in Guangzhou, China mamaya sa kanyang Biyaheng Kapuso Mo Jessica Soho at 7:45 p.m. sa GMA-7. Pero bago iyon, ipakikita muna niya ang magical world of Harry Potter in Osaka, Japan na open na sa public. May Asian food trip din siya sa Thailand, Singapore, at Macao. Sa Europe naman, ipakikita ni Jessica ang picturesque places in Rome, Napoli, at Florida, ang Russian Matryosha Dolls and chocolates, ang rich culture and history ng Mexico.

Christian sinundan ang ex-GF na si Rachelle Anne sa London

Nag-fly na si Christian Bautista last January 1 with brother Jordan, for London. Tinapos muna niyang lahat ang mga commitment niya, taping ng primetime drama nilang Strawberry Lane, at ang GMA 2015 Countdown sa bayside ng SM Mall of Asia bago siya umalis para bisitahin ang dating girlfriend na si Rachelle Anne Go at best friend na si Mark Bautista doon. Naka-schedule na rin siyang panoorin ang musical play na Miss Saigon ni Rachelle at ang Here Lies Love ni Mark.

Two weeks doon si Christian at January 15 pa ang balik niya rito to prepare for his Valentine concert with Matt Monroe Jr. and The Platters at the Philippine International Convention Center (PICC).

ANG ITALIAN

BIYAHENG KAPUSO MO JESSICA SOHO

CHRISTIAN BAUTISTA

DISCOVERY SHORES

HARRY POTTER

HERE LIES LOVE

MARIAN

PAPA FRAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with