Kathryn, magpapaluha sa unang MMK
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - January 3, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magbibigay-inspirasyon sa mga anak ngayong Bagong Taon ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng kanyang karakter sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Enero 3).

Sa kwento, gaganap si Kathryn bilang si Daisy, ang mabuting bata na inampon ng mag-asawang sina Ed at Erlie (gagampanan nina Smokey Manaloto at Assunta de Rossi). Dahil sa angking galing at determinasyon, hindi naging mahirap para kay Daisy na tumayong breadwinner ng kanilang pamilya nang hindi kumita ang negosyo ng kanyang ama. Ngunit mas susubukin ang kanyang katatagan niya nang matuklasang may breast cancer ang kanyang ina at may sakit sa puso ang kanyang ama. 

Sa lahat ng pagsubok na kanyang pinagdaanan, paano kinaya ni Daisy na manati-ling malakas para sa kanyang pamilya? Hanggang saan kayang dalhin ng wagas na pagmamahal ang isang anak na walang ibang hangad kundi mapasaya ang kanyang mga magulang?

Tampok din sa upcoming MMK episode sina Eslove Briones, Patrick Sugui, Kazumi Porquez, Dionne Monsanto, at Ynna Asistio. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. 

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario. 

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7: p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

 

 

ARAH JELL BADAYOS BAGONG TAON BENSON LOGRONIO DIONNE MONSANTO ESLOVE BRIONES HOME SWEETIE HOME KANYANG KATHRYN BERNARDO KAZUMI PORQUEZ MAALAALA MO KAYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with