^

Pang Movies

DongYan namigay ng trip to Japan sa guests

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binihisan nang bonggang-bongga ang loob ng SM MOA Arena na reception ng wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Hindi agad pinapasok ang mga bisita pero nabusog naman sila sa appetizers na inihanda ng caterer na si Gaita Forres.

Hindi na kami pumunta sa Immaculate Conception Church kung saan ginanap ang kasal nu’ng Martes ng hapon. Sa social media agad kumalat ang balita na nilapitan ni Kris Aquino, isa sa ninang, si AiAi de las Alas upang makipagbati. Hindi naman nag-inarte si AiAi at tinanggap naman ang peace offering ng dating kaibigan.

Sa lounge nga ay may DJ na nagpapatugtog ng music habang kumakain at umiinom ang lahat ng guests. May memorabilia rin ng photos nina Dong at Yan pati ang motor na Ducati ni Dong.

Bandang alas-siyete medya ng gabi nang papasukin ang guests sa main -dining room. Nakakalula sa ganda ang disenyo ng loob. Pero ang kabilib-bilib ay ang disenyong mga fresh flowers sa bawat mesa. Nakilala nga ng press, through Bernard Cloma, ang namahala sa mga bulaklak sa reception pati na sa simbahan.

Ayaw sabihin ng girl kung magkano ang ginastos sa lahat ng bulaklak. Pero ang kumalat na balita ay P5M halos ang halaga ng mga ito, huh!

Nang tawagin na sina Dong at Yan, isang grand entrance ang ginawa nila sa pamamagitan ng isang sayaw! Suot pa rin ni Marian ang kanyang wedding gown habang si Dong ay nagpalit na ng black suit.

Pinagsaluhan ng lahat ang dinner na binubuo ng Siningang na hipon ni Ma-rian, Ensalada or organic greens, pancit-pancitan, sea bass and sea food paella sa tampipi, calamansi sgroppino, braised and grilled US Angus short ribs at bago inilabas ang sweet dueto na tiramisu de argellanas con dulce leche and leche flan ni Aya, ang tradisyunal na cake cutting ang ginawa ng bagong kasal!

Sa totoo lang, five layers ang cake na 12 feet ang taas, huh! Simpleng puti lang ang dating nito pero nang gawin na ang seremonyas, may drama pala ito colorful video na talaga namang kahanga-hanga, huh!

Ipinalabas din ang ilang videos na ginawa nina Dong at Yan pero ang touching sa lahat ay ‘yung ginawa ni direk Joyce Bernal. Doon nakapaloob ang interviews nina Dingdong at Marian at kung paano nila naramdaman na para talaga sila sa isa’t isa!

May video rin ng mga taong natulungan nilang dalawa na biktima ng Yolanda victims. Nagkaroon ng technical problem sa pre-nup video na ginawa nila sa Dubai kaya naputol ito.

Una munang nag-hosts sina Gabby Eigenmann at Bettina Carlos. Tinawag nila sa stage ang mga bridesmaid na sina Ana Feleo, Roxanne Barcelo at Joy Gonzales. Napansin ng press ang pagkakaroon ng accent sa pagsasalita ni Roxanne. Feeling nila, naimpluwensiyahan siya ng model-actor na si Will Devaugh na boyfriend daw niya.

Nagsalita rin ang best men ni Dong na sina Mario Vincent Lanuza, Paul Harvey Camposano at nakababatang kapatid na si Jose Angelo Dantes.  Naging mahiyain ang huli pero naiparating din niya ang mensahe sa kanyang mabait na Kuya Dong.

Naging hosts din sina Tim Yap at KC Montero.  Nang sina Janno Gibbs at Ogie Alcasid ang na-ging hosts, nagbigay ng sorpresa ang bagong kasal sa masuwerteng guests. Nagkaroon ng mini game at pinahulaan sa masuwerteng guests ang street food na paborito ni Dong at flowers na type naman ni Marian.

Ang masuwerteng babae at lalaki ay winner ng trip to Japan for two, huh!

Bago kami umalis, tinawag ang ama ni Yan Yan na si Senor Francisco Javier Gracia na binigyan ng interpreter komo nga Espanol ang daddy. Isang sayaw ang ginawa sa stage habang kumakanta si Regine Velasquez-Alcasid ng Looking Through The Eyes of Love.

Siyempre pa, bumaha rin ng iba’t ibang klase ng drinks. Nabundat ang mga guests sa iba’t ibang klase ng matatamis.

Ilan sa namataan naming dumalo sa reception ay sina Mr. Tony Tuviera, German Moreno, Mother Lily and Roselle Monteverde, Wilma Galvante, Ana Puno, Kapuso artists, Mark Herras, Alden Richards, Enzo Pineda, Kristoffer Martin, Julie Ann San Jose, Julian Trono, Gladys Reyes, Ryan Eigenmann at iba pa. Present din sina Pokwang, Tuesday Vargas, John Lapus, Diana Zubiri.

Halos 11 p.m. na nang umalis kami sa reception pero tuloy pa rin ang kasiyahan at walang pagsidlan ng kaligayahan sina Mr. & Mrs. Dingdong Dantes!

Again, ang aming pagbati, Dong at Yan Yan!

ALDEN RICHARDS

ANA FELEO

ANA PUNO

BERNARD CLOMA

BETTINA CARLOS

DIANA ZUBIRI

DINGDONG DANTES

DONG

SINA

YAN YAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with