Armie kuhang-kuha ang kilos at istilo ng pagkanta ni Didith Reyes
Roland Lerum (Pang-masa) - December 26, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinanood namin ang performance ni Armie Zuniga sa Remembering Didith kung saan binuhay niyang muli ang mga pinatanyag na awitin ng sexy singer na si Didith Reyes noong 80’s. Kabilang dito ang mga kantang Nananabik, Bakit Ako Mahihiya, Araw-Araw, Gabi-Gabi, at iba pa.

Mismong anak ni Didith na um-attend at umakyat ng stage ang nagsabing kuhang-kuha ni Armie ang kilos at galaw ng mommy Didith niya sa partikular song na kinanta. Sabi ni Arvie Reyes :  “Ang tingin ko nga, parang nabuhay muli ang mommy ko sa katauhan niya, e!”

Ilan sa guests ni Armie sina Anthony Castelo na kumanta ng lumang signature song niya gaya ng Kaibigan, Babae, at Nang Dahil sa Pag-ibig.

Nagpatawa rin ang antigong Big Three Sullivans at umarangkada naman ang tinig ni Dell Ramirez ng Detour pero sumingit bago matapos ang programa si Amay Bisaya ng Bikining Itim.

Successful ang Remembering Didith dahil super galing talaga si Armie Zuniga! 

 

AMAY BISAYA ANTHONY CASTELO ARMIE ARMIE ZUNIGA ARVIE REYES BAKIT AKO MAHIHIYA BIG THREE SULLIVANS BIKINING ITIM DELL RAMIREZ REMEMBERING DIDITH
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with