_pang-masa
^

Pang Movies

Richard Yap at Jodi Sta. Maria, tinanghal ng mga Vietnamese bilang Best Foreign Actor at Actress

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinarangalan bilang Best Foreign Drama Series ng Face of the Year Award 2014 sa Vietnam ang longest-running daytime drama series ng Pilipinas na Be Careful With My Heart. Ang award ay napanalunan ng programa sa pamamagitan ng public votes at inanunsyo ito nitong Lunes (Disyembre 22).

Sa labis na pagmamahal sa Be Careful With My Heart o Trái Tim Bé B?ng para sa mga Vietnamese, ay kinilala rin ang natatanging pagganap sa serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap bilang ang mag-sweethearts na sina Maya at Ser Chief. Pinakabinoto ng Vietnamese viewers si Jodi bilang Best Foreign Actress at si Richard bilang Best Foreign Actor. Kapwa dumalo sa pagdiriwang sina Jodi at Richard upang tanggapin ang kanilang awards.

Ang Face of the Year Awards ay inoorganisa ng Today TV na isa sa pinakamalaking Vietnamese television networks na nagpapalabas ng mga Filipino teleserye.

ANG FACE OF THE YEAR AWARDS BE CAREFUL WITH MY HEART BEST FOREIGN ACTOR BEST FOREIGN ACTRESS DRAMA SERIES FACE OF THE YEAR AWARD JODI JODI STA RICHARD YAP SER CHIEF
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with