Pamilya at mga kaibigan sumugod sa Batangas
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 20, 2014 - 12:00am

Natuloy na rin ang grand finals ng Voices, Songs & Rhythm to culminate the Ala Eh! Festival na ginanap sa Heritage Town of Taal in Batangas last Thursday, December 18, sa harap ng Basilica of Taal. Ayon kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto, sa kanyang speech, kasalukuyan daw nilang ginaganap ang mga activities ng festival nang du­ma­ting ang bagyong Ruby, pero sa sama-sama nilang ipinagdasal bago nangyari ang 4th landfall ng bagyo sa Laiya, San Juan, Batangas, lumihis ang bagyo at na-spare sa malubhang damage ang probinsiya. Kasamang dumalo ni Gov. Vi ang husband niyang si Sen. Ralph Recto and son Ryan Christian Recto. At kumpleto ang kanyang family dahil naroon din si Luis Manzano at ang girlfriend nitong si Angel Locsin.

Si Luis ang isa sa nag-host ng show, kasama sina Cesar Montano, AiAi delas Alas, Arnell Ignacio, at Ma­xene Magalona. Isa naman si Angel sa mga judge na kinabibilangan nina (not in order) Ogie Diaz, Jovit Baldivino, Jamie Rivera, Bea Binene, Rachel Alejandro, Vehnee Sa­turno (as chairman), Rey Valera, Mother Lily Monteverde, Taal Vice Mayor Pong Mercado, and Tirso Cruz III. Ilan din sa performers sina Mark Herras, Xian Lim, at Basilio. Kita mo sa response ng mga tao, na kahit na matagal silang naghintay sa pagsisimula ng show, na mahal na mahal nila si Gov. Vilma Santos-Recto.

Dingdong at Marian pinagsasabay ang trabaho at rehearsals ng kasal

Last na kaya ang bachelorette party today, December 20, for the bride-to-be Marian Rivera? Ito siguro ang sinasabi ni Marian na hindi raw niya puwedeng tanggihan kahit nag-cancel na sila ng mapapangasawang si Dingdong Dantes ng ibang bridal showers for her. Mga host kasi ng party ay si Mommy Angeline Dantes at ninang Jhulz Lanuza ni Dingdong. At request nila sa mga a-attend is to wear red.

Kahit nagri-rehearse na sila for their wedding sa December 30 sa Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao, Quezon City, may tapings pa rin ang dalawa, tulad ng special feature sa kanila ng Kapuso Mo Jessica Soho. Bumalik muli si Marian sa kanyang Alma Mater, ang De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite, kasama si Dingdong at si Jessica Soho for taping at interview sa kanila. Inimbitahan din ni Jessica ang mga fans nina Dingdong at Ma­rian for a special segment na sorpresa nila sa mga ikakasal. Nine days to go before the wedding, pero mukhang marami pang sorpresa sa mga fans nila ang mga ikakasal. 

Pareho pa silang sasakay sa kani-kanilang float for their movies na entry sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 23. Pero hindi na kami sure kung kaya pa nilang mag-attend ng Gabi ng Parangal ng MMFF sa December 27 na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC).

‘Love story’ nina Regine at Ariel matutuldukan na kaya?!

Final episode na tonight ng Himig ng Pasko Christmas special ng GMA-7, at 8:30 p.m. pagkatapos ng Magpakailanman. Sa story nina Belle (Regine Velasquez) at Joseph (Ariel Rivera), magkaroon na kaya ng closure ng love story nila noong high school sa pamamagitan ni Christiana (Julie Anne San Jose)? Kasama rin sa cast sina Rachel Alejandro, Rita de Guzman, Jeric Gonzales, Gerald Santos, sa direksyon ni Zig Dulay.

ALA EH ALMA MATER ANGEL LOCSIN ANGELINE DANTES RACHEL ALEJANDRO VILMA SANTOS-RECTO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with