Martin gustung-gustong pinapanood sa concert ang roller coaster na boses ni Anne
- Vinia Vivar (Pang-masa) - December 16, 2014 - 12:00am

Ayon kay Martin Nievera, hindi raw tayo dapat mag-expect talaga ng magandang boses mula kay Anne Curtis dahil ang act daw talaga ng aktres ay kumanta ng sintunado, “and it’s fine,” say pa ng Concert King.

“It’s not fine if you’re going to watch a concert of real singing. If you’re gonna go pay for someone to sing who doesn’t sing and if it feel that his act is a comedy act, then that’s what you’re paying for.”

Huwag daw tayong mag-expect kay Anne ng ala-Lani Misalucha na boses. At hindi rin daw dapat nagko-comment ng kung-anong panlalait.

“What were you expecting, that’s her act? Her act is to be out of tune. If she’s in tune, maha-heart attack kayo. So, don’t expect anything more, and just enjoy,” say ni Martin.

Gustong-gusto nga raw niyang pinapanood si Anne na kumakanta dahil parang nasa roller-coaster ride raw siya kapag nagpe-perform ito. Ha-ha-ha!

Daniel, Diyos ang dahilan kaya napadpad sa ‘Pinas

Daniel Matsunaga revealed na ang pagpunta pala nila ng kapatid na si Vanessa sa Pilipinas five years ago ay mula mismo sa Diyos.

“One of the reasons why we came here was because the Pastor in Brazil spoke to us saying that we have to come here because God has a purpose for us, for me, and Vanessa,” sabi ni Daniel.

Ang kapatid daw niya ay nakapag-asawa at siya naman, noong una ay patuloy pa rin niyang hinahanap kung ano ang purpose ni God for him.

Hindi raw niya akalaing sobrang laki ng blessings na ibibigay sa kanya na nagsimula nang manalo siya as Big Winner sa Pinoy Big Brother (PBB) All In edition this year at hanggang ngayon ay walang tigil na raw ang magagandang bagay na nangyayari sa kanya.

“God has been giving me so many blessings to me, I am so blessed. It’s really the right word – blessed. Lahat ng ginawa ko, dahil sa Kanya, eh.

“Lahat ng nangyari sa buhay ko, it’s really been amazing, it’s really been the purpose that God said to me before that He would give it to me in the Philippines.

“Even before, I wouldn’t imagine how big this would be,” say pa ng Brazilian-Japanese actor.

Ngayong nakita na niya kung ano ang destiny niya, sobrang happy ni Daniel at gusto nga niyang dito na rin magka-asawa. Pero sa ngayon ay talagang wala pa raw siyang nakikitang magiging girlfriend.

Sa sobrang busy raw niya talaga ay wala siyang panahon para sa pag-ibig. La­test project ng aktor ay ang Shake Rattle and Roll XV na showing sa Dec. 25 as one of the entries sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) at pagkatapos ay may teleserye siya sa ABS-CBN, ang Pasion de Amor na ieere naman early next year.

ALL IN ANNE CURTIS BIG WINNER CONCERT KING DANIEL MATSUNAGA DIYOS LAHAT LANI MISALUCHA METRO MANILA FILM FESTIVAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with