Juday nagpa-party sa mga miyembro ng Bet on Your Baby birthday club
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - December 14, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagpasalamat si Judy Ann Santos-Agoncillo sa lahat ng mga sumusuporta sa top-rating game show niya na Bet On Your Baby sa pamamagitan ng isang maagang pamasko at birthday bash para sa unang 20 members ng Bet On Your Baby Birthday Club.

Ang 20 na napaka-cute na toddlers ay nakapasok at nakabonding ang award-winning host sa loob ng Baby Dome – isa sa mga napakaraming regalo para sa kanilang pinagsabay na Christmas at birthday party celebration.

“Sa lahat ng mga bumoto, maraming salamat po. Kayo ang inspirasyon namin para pagbutihin namin ang mga trabaho namin at maging role model sa inyong lahat,” ani Juday.

Ang actress turned game show host ay pinarangalan bilang Best Game Show Host sa PMPC Star Awards for TV at tumanggap ng prestihiyosong Makabata Star  sa 2014 Anak TV Seal Awards.

Samantala, isa pang engrandeng birthday party ang mangyayari ngayong Disyembre sa iba pang  Bet On Your Baby Birthday Club members na kaarawan ngayong buwan ng Pasko. Inaanyayahan na rin ang mga January birthday ce­lebrants na may edad 2-4 edad na magpadala ng kanilang cutest photo kasama ang pangalan, edad, birth date, address, at contact number sa boybabscbn@gmail.com.

Tampok naman sa episodes ng Bet On Your Baby ngayong linggo ang mga babies na may mga magulang na merong kakaiba ngunit magiting na hanapbuhay.

Huwag kalimutang makilaro kay Juday araw-araw, 5:00 PM, bago mag-Bagito sa ABS-CBN.

BABY DOME BEST GAME SHOW HOST BET ON YOUR BABY BET ON YOUR BABY BIRTHDAY CLUB JUDAY JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO MAKABATA STAR SEAL AWARDS STAR AWARDS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with