Dingdong nagsalita na sa pagkandidato sa 2016!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 13, 2014 - 12:00am

Naiiba ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 sa dalawa pa nilang kasabayang entries sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF), ayon kay Ding­dong Dantes as Makoy, sa movie na diniditek ni Erik Matti.  Straight horror daw iyong dalawa, sila naman ay horror, comedy and adventure, kaya sa gitna ng pagsalakay ng mga aswang, may eksenang matatawa ang mga manonood at ipapakita naman ni Makoy kung paano niya ipagtatanggol ang kanyang pamilya sa mga aswang at ang kagustuhan niyang masugpo ang mga ito, sa pangunguna ng bago niyang kalaban, si Doms played by KC Montero.

Tatlo ang producer ng movie - GMA Films, Agosto Dos ni Dingdong at Rea­lity Entertainment ni Dondon Monteverde.  

Inamin ni Dondon na between 80 to 90 million pesos ang budget nila, wala pa ang promotions, dahil sa special effects and computer-generated images. Hindi napasagot si Dingdong kung magkano ang share niya sa production, kung mas malaki raw ito kaysa gagastusin niya sa kasal nila ni Ma­rian Rivera sa December 30.  

Kaya ba nilang kitain sa festival ang ginastos nila, ayaw daw nilang mag-expect, masaya na sila na nakasali sila sa MMFF at mai-share ang kanilang pelikula at ang mga bumubuo sa cast na sina Lotlot de Leon, Isabelle Daza, introducing si Hanna Ledesma mula sa Bb. Pilipinas 2014, ang nagbabalik na characters nina Joey Marquez at Ramon Bautista, Julie Anne San Jose at rapper na si Abra.

Before the presscon proper, nakausap namin si Ding­dong Dantes at tinanong kung totoong kailangan na silang mag-cancel ng bridal shower ng bride-to-be niyang si Marian Rivera.  May tatlo pa kasing bridal shower na naka-schedule at sabi ni Dingdong, pagod na rin daw si Marian.  Kahit ang isang pre-nuptial shoot pa sana nila sa isang resort sa La Union, hindi na rin nila itinuloy, marami pa rin daw silang dapat asikasuhin.  

Gusto na rin daw niyang magpahinga si Marian dahil para sa mapapangasawa, gusto niyang ibigay everything to make her happy.  Humingi na nga raw sila ng leave sa GMA-7 pero pagbalik nila, iho-host niya ang StarStruck 6 at may sisimulang drama series si Marian.  When asked kung tatakbo siya sa coming 2016 elections, wala raw siyang balak but to build his own family, at magpatuloy sa trabaho niya sa GMA.

Julie Ann mahilig sa rapper

First time ni Julie Anne San Jose na gumawa ng isang horror-action-adventure movie na (Kubot) at hindi raw siya makapaniwala na gagampanan niya ang role ni Stacey na katulong si Abra ay sila ang gagawa ng weapons na gagamitin ni Dingdong Dantes laban sa mga aswang.

Mamayang gabi na ang first big concert ni Julie Anne sa MOA Arena, ang Hologram kaya ina­min ng young singer-actress na kinakabahan siya pero excited din to perform with her special guests, Christian Bautista, Sam Concepcion, Jonalyn Viray, Frenchesca Farr, at Abra na patuloy na inili-link sa kanya. Biniro tuloy si Julie Anne na mahilig siya sa rapper, dahil after ma-link noon sa rapper-actor na si Elmo Magalona, isa ring mahusay na rapper si Abra.

Pero hindi raw nila alam kung bakit sila inili-link sa isa’t isa dahil friends lamang naman sila.

 

ABRA AGOSTO DOS ASWANG CHRONICLES CHRISTIAN BAUTISTA DANTES JULIE ANNE JULIE ANNE SAN JOSE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with