Coach Bamboo, kailan nga ba huling kinilig? Coaches magsasalpukan, mga rakista at biritera magtatapat sa The Voice battles
(Pang-masa) - December 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mas titindi pa ang salpukan ng coaches ngayong weekend (Dec. 13 at 14) sa top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines dahil tatlo sa kanila ang mangangahas na i-steal ang isang artist mula sa isang team matapos itong hindi piliing manalo ng kanyang coach sa battle. 

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng battle rounds kung saan magpapainit din sa stage ang rakrakang hatid ng labanang Tanya Diaz vs. Shaira Cervancia (Banal na Aso, Santong Kabayo) ng Team Bamboo at Niño Alejandro vs. Karl Tanhueco (We Built This City) ng Team Lea.

Totodo rin sa biritan ang divas na sina Mackie Cao vs. Mecerdita Quiachon (Through the Fire) mula sa Team Apl at Demie Fresco vs. Rosalyn Navarro (Tell Him) naman mula sa Team Sarah.

Magpapasabog din ng kilig ang umaatikabong tapatan ng nili-link na Team Lea members na sina Thara Jordana at Jem Cubil (No Air), samantalang kokornerin din si coach Bamboo ng hosts at coaches kung kailan siya huling kinilig. Sasagot na kaya ang mailap na coach sa pagkakataong ito?

Tampok din sa battles weekend ang pagtatapat nina Arnee Hidalgo vs. Janet Cadayona (Kung Ako’y Iiwan Mo) ng Team Apl, Mark Douglas vs. Vanessa Monot (As) Sarah, Casper Biancaflor vs. Rence Rapanot (Creep) ng Team Bamboo, at Emil Sinagpulo vs. Mic Llave (More Than Words) ng Team Lea.

 

ARNEE HIDALGO CASPER BIANCAFLOR DEMIE FRESCO EMIL SINAGPULO IIWAN MO JANET CADAYONA TEAM TEAM APL TEAM BAMBOO TEAM LEA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with