^

Pang Movies

Kasama sa 11 bitbit araw-araw Marian hindi nawawalan ng rosary at Sto. Niño sa bag!

Nora V. Calderon - Pang-masa

MANILA, Philippines – Happy 11th anniversary sa mga readers natin ng PM (Pang Masa). Parang kailan lamang kami nagsimulang magsulat ng column natin, naka-11 years na pala tayo. Maraming-maraming salamat sa lahat ng ating mga mangbabasa.

Naatasan kami ng ating editor, si Ms. Salve Asis, na hingan ang bride-to-be, Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kung ano ang labing-isang bagay o tao na mahalaga sa kanya. Hinintay lamang namin ang napakaraming gustong makipag-pose kay Ma­rian after her #BeloBridal #6thBridalShowerNiYan na ginanap sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City na bigay ni Dra. Vicki Belo and daughter Chyrstal Belo-Henares at saka nagpa-interview si Marian. Wala si Dra. Vicki who is now attending a convention in New York City.

“Huwag na po lamang mga taong mahalaga sa akin ang pag-usapan natin, baka kasi may magtampo kung may hindi ako mabanggit,” nakangiting wika ni Marian. “Mga bagay na lamang na hindi puwedeng hindi ko dala tuwing lalabas ako ng bahay. I see to it na laman ng handbag ko ang mga bagay na ito.

“Hindi po ito in order, basta ito ang mga bagay na mahalaga sa akin na hindi puwedeng hindi ko dala.

1. Lip tint, para laging kissable ang lips ko (at tumawa si Marian)

2. Lip balm, para hindi mag-dry ang lips ko.

3. Hand sanitizer, para laging malinis ang hands ko lalo na kung kakain ako

4. Lotion, para hindi nagda-dry at laging malambot ang skin ko

5. Perfume, lalo na kung.... at saka na kapag na-launch ko na. (biro pa ni Marian)

6. Handbag, kahit ano, mahilig naman ako sa handbag

7. Chocolate, I cannot live without chocolates, kahit konti lamang

8. My Holy Rosary and my small Sto. Niño

9. Powder, puwedeng wala akong face powder na dala pero hindi pwedeng mawala ang Johnson’s baby powder. Refreshing kasi ang baby powder.

10. My engagement ring, since ibinigay sa akin ni Dong ang engagement ring ko, hindi ko iyon nalilimutang isuot.

11. My SKK cell phone, hindi puwedeng wala akong dalang SKK cell phone kasi nire-record ko rin ang mga events na nangyayari sa akin araw-araw, to share them to everybody through my Instagram (IG) account.

Marami pang things na puwedeng sabihin si Marian, pero biro niya, eleven things lamang ang kailangan natin, saka na raw ang iba.

Marian magsusuot ng edible panty sa kasal nila ni Dingdong!

During the presscon, natanong si Marian Rivera kung pang-ilang bridal shower na ba iyon?

“Pang-anim na po. Hindi ko naman po hinihingi, ibinibigay nila, nakakahiya namang tanggihan,” natatawang sagot ni Marian. “Hindi ko puwedeng tanggihan si Dr. Vicki na kapag tinawag kong ‘doktora,’ sabi sa akin, hindi ka pa ba puwedeng mag-practice na tawagin akong ‘ninang?’

Meron pa raw susunod na bridal shower. After the presscon, tinanong pa si Marian kung tapos na ang wedding preparations nila ni Dingdong.

“We are now finalizing everything tungkol sa kasal, pero ang talaga pong aligaga ay ang mapapangasawa ko. Siya kasi ang nakakaalam ng lahat. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa wedding march namin, lagi kasi siyang may sorpresa. At ngayon ko rin lang nalaman na ang kakanta sa kasal namin ay ang magkasamang boys choir ng La Salle at Ateneo.”

Susunod din si Marian sa Filipino tradition na hindi isusukat ang wedding gown niya na personal na dadalhin dito ng Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco at siya rin ang magbibihis kay Marian. Something new, something old, something borrowed. Je­welry ng mama niya ang something borrowed na isusuot niya at napatili si Marian nang sabihin ng mga kaharap niya na ang something new na isuot niya ay ang edible panty na natanggap niya sa bridal shower. Hindi pa raw alam ni Marian kung ano ang something old na isusuot niya.                  

CHYRSTAL BELO-HENARES

DR. VICKI

KUNG

MARIAN

MARIAN RIVERA

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with