Daniel tuloy ang demanda sa kabarkada!
Joe Barameda (Pang-masa) - December 8, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tuloy pala ang demanda ni Daniel Padilla sa nagpakalat at may kagaga­wan ng kanyang audio scandal. Bali­tang ang ama ni DJ na si Rommel Pa­dilla ang tumututok at ‘yung law­yer nina Rommel ang nag-aayos.
Lagi raw sinasabihan ni Karla Estrada na mag-ingat ang Teen King dahil marami talaga ang gustong sumira sa kanya dahil sa estado niya ngayon sa showbiz. Nasampolan nga siya sa mismong bahay niya na ginawan siya ng audio scandal.
“Kung kailangan niyang madapa at masubsob na literal para matuto, walang problema sa akin ‘yon dahil lalaki naman siya, e. Ang importante sa akin, ‘yung marunong kang manindigan. Mali man o tama,” deklara pa ni Karla sa isang panayam.

Geoff ayaw nang maalala si Carla

Sa unang pagkakataon ay nakatsikahan namin si Geoff Eigenmann after ng break-up nila ni Carla Abellana. Payat at guwapung-guwapo si Geoff na bumata ang hitsura nang magbawas ito ng timbang. Sa ngayon ay loveless ang aktor at hindi naman daw ito lumalabas para makipag-date.

Pahayag ni Geoff, nasaktan siya sa hiwalayan nila ni Carla kaya hirap pang mabuksan muli ang puso niya. Naka-focus na lang sa sarili si Geoff at maraming sports bukod sa regular na pagpunta sa gym.

Aminado si Geoff na nasasaktan siya sa mga naglalabasang balita dahil naapektuhan na pati pamilya niya. Bagama’t umamin din siyang may mga pagkakamali rin siya, pero naayos naman daw ‘yun kaya lang mali ang napuntahan. Kaya pinilit na lang niyang kalimutan at aminado siya na kung puwede, hindi na sila magkasalubong ni Carla para hindi na niya maisip o maalala pa ang pinagdaanan nila. Mabuti na nga lang daw at naka move-on na sila.

Allen Dizon sinuwerte sa ‘paggawa’ ng kabaong

Sobrang nag-enjoy si Allen Dizon sa Hanoi International Film Festival kung saan ay nanalo siyang Best Actor. Itinuring niya itong the best sa mga napuntahan niya dahil sa rami ng activities.
“Okey din ang Toronto (Toronto International Film Festival) pero etong Hanoi, iba, eh,” sey niya.

Bukod kay Allen, nag-win din ang Magkakabaung ng Best Asian Fil Netpac Awards na tinanggap ng kanyang director na si Jason Paul Laxamana. “Second time around, parang hindi nga ako makapaniwala. Nanginginig nga ako nu’ng una,” reaksyon niya nang maka-lunch namin sa Max’s Restaurant bago siya tumungo sa presscon ng New Wave Section ng Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kasali ang Magkakabaung dito.

Ano ba ang meron sa Magkakabaung at humahakot ito ng awards? Ang pelikula ring ito kasi ang nagbigay sa kanya ng Best Actor Trophy sa 9th Harlem International Film Festival sa New York City.
“Siguro masyado lang siyang ‘suwerte’ tapos timely ‘yung pagkagawa. ‘Yun nga sabi ni Direk, iba ‘yung pagkagawa niya dahil hindi siya dramatic. Sa acting ko, unang-una, naging kumportable ako dahil Kapampangan ‘yung mga lines tapos anak ko pa ‘yung artista. Malaking bagay sa akin kumbaga, doon pa lang, kailangan kong maging consistent, eh. Kasi ‘pag medyo lumaylay ka sa ibang eksena, wala eh hindi ka mapapansin, eh. Handheld lahat so ‘pag nagkamali ka take 2, kailangan balik, ganoon,” pakli niya.

Umaasa ba si Allen na mananalo rin siyang Best Actor sa New Wave Section ng MMFF dahil naipanalo na niya ng dalawang beses ito sa abroad?

“Hindi naman umaasa, pero after na manalo ng dalawang beses, kumbaga, gusto ko rin na ma-re­cognize sa sarili nating bansa, ‘di ba? At saka, kumbaga, puro Pilipinong artista ang makakalaban mo, iba pa rin ‘yun. Iba pa rin ang feeling mo. Actual­ly, mas napi-pressure nga ako ‘pag mga Pilipino ang kalaban, eh! Kasi alam mo, mas magagaling ang mga Pilipino, eh,” tumatawa niyang pahayag.

ALLEN DIZON BEST ACTOR CARLA DAHIL GEOFF MAGKAKABAUNG NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with