Kahit mga laos na sexy actress hindi talaga pinatawad ang mang-aagaw na female celeb
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 8, 2014 - 12:00am

Nagkasalubong sa opening ng isang kilalang salon ang isang female celebrity at sexy actress na noon pa ay meron nang alitan.

May history ang kanilang away dahil ayon sa sexy actress, sobrang inggitera ang female celebrity kaya lahat ng meron siya ay gusto nitong agawin.

Nauna nang maging paborito si sexy actress ng isang film producer noon na nagbigay sa kanya ng solo movie. Sobrang pag-aalaga ang ginagawa sa kanya. Pero nang biglang dumating ang female celebrity, naitsapuwera na siya dahil magaling mangbilog ng ulo ang babaeng ito.

Hanggang sa personal na make-up artist at hairdresser ni sexy actress ay nawala sa kanya. Bigla na lang daw hindi na siya sinipot ng kanyang paboritong make-up artist dahil ibinigay na raw ito sa female starlet.

Noong magreklamo ang sexy actress dahil matagal na raw niyang make-up artist at hairdresser iyon, sinabihan siya ng producer nila na ibigay na lang iyon sa female celebrity dahil mas busy naman daw ito kesa sa kanya. Sayang lang ang ibinabayad nila kung wala itong tinatrabaho sa kanya.

Ilang beses na rin ngang dinedema ni producer si sexy actress kapag kailangan nito ng tulong. Tulad na lang noong magkaproblema ito sa kanyang landlord. Ang produ kasi ang nagbabayad ng renta niya sa condo unit na tinitirhan niya.

Noong tinawagan ito ni sexy actress ay hindi mahagilap ng kanyang secretary at kasama raw nito ang female celebrity na umalis. Walang choice ang sexy actress na bayaran niya ang two months na delay sa renta or else paaalisin siya.

Nang makausap niya si produ, sinabi nito na ililipat na niya sa isang apartment si sexy actress at si female celebrity ang titira na sa condo unit. Doon na nagalit si sexy actress at iniwanan na niya ang producer.

Tuwing nagkikita sila ng female celebrity sa mga events, dinededma niya ito dahil sinira nito ang relasyon niya sa kanilang producer.

Ilang taon nang nakaraan ay muling nagkita sila sexy actress at female celebrity. Ngumiti si female celebrity pero tinalikuran siya ni sexy actress. Hindi naman daw sila kailangan pang maging friends dahil pareho na silang laos at maging ang producer nila ay nalaos na rin.

Gary V. ginawan ng bagong theme song ang mga bata

May isinulat na bagong song si Gary Valenciano na may titulong Bawat Isa Sa Atin at inawit nga niya ito sa 25th anniversary ng Convention of the Rights of the Child (CRC).

Goodwill ambassador and supporter ng UNICEF si Gary V. at nagbigay siya ng isang mini-concert kamakailan sa SMX Convention Center.

“Nagkaroon kami ng idea na gumawa ng isang kanta na sana maging bagong theme song natin. Even if you say that you’ve never had children before, if I say I am no longer a child, if there is anything that binds us to the children is that once upon a time, we were children too.

“Whatever needs we have if they were not met, the next generation doesn’t have to be met with the same thing, we can do our part.

“So my wife, Angeli (Pangilinan-Valenciano), nagsulat siya ng mga parang poem, and when I looked at it, there is the idea. Now let’s transform it and make it into a song.

“There was a song that I did called Kapit Pinoy and it sounded like that. I said, ‘Angeli, it sounds too much like that one, but it’s beautifully written. Can I change it and make it lyrical?’

“Instead of telling people, let’s all come together, it’s really reminding people, hey, listen, you might not know the kid in Cotabato, but you were a kid once.

“So exactly what that kid has gone through and needed, that’s exactly what we are looking for and so I put it together,” pagtatapos pa ni Gary Valenciano.

ACTRESS ANGELI CELEBRITY FEMALE GARY V GARY VALENCIANO NIYA SEXY SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with