Kahit sa indie hindi na kinukuha dating child actor minalas sa buhay
Roland Lerum (Pang-masa) - December 5, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Apat silang magkakapangalang aktor pero isa lang ang pinakasikat. ‘Yung isa ay BF ngayon ng young actress na ayaw namang umamin sa kanilang relasyon. ‘Yung isa ay nagbabakla na lang sa isang noontime show. ‘Yung isa naman ay nagbalik na lang sa Bataan dahil wala nang career. At itong actor natin ay hiwalay sa asawa at mga anak. Feeling nga ng iba, minalas siya sa career mula nang hiwalayan ang misis niya na may ibang lalaki na ngayon.

Malas lang siguro talaga ang aktor na ito. Nagka-GF kasi ito dati ng isang mestiza na nahuli niyang nakikipagtalik sa ibang lalaki kaya niya hiniwalayan.

Nanghihinayang kami sa actor na ito dahil mahusay pa naman siyang umarte. Aba, child star muna siya bago naging bida sa pelikula. Pero ngayon, kahit indie films ayaw siyang patulan. Halos wala rin siyang TV show. Malakas naman sa network ang kanyang manager, pero bakit ‘di ito makakuha ng matinong palabas? Ang actor kaya ang may problema?

Armie Zuniga mangunguna sa pag-alala kay Didith reyes

Sa December 11 na ang tribute para kay Didith Reyes na pinamagatang Remembering Didith Reyes. Sa MOWELFUND ito gagawin, at 6 p.m. Makakasama ni Armie Zuniga na mag-aala-Didith sina Anthony Castelo, Miguel Castro, Dell Ramirez, at ang antigo ng The Big 3 Sullivans.

Asahang mapakikinggan ang mga pinatanyag na awitin ni Didith gaya ng Bakit Ako Mahihiya, Nananabik, at iba pa na mapapakinggan mula sa ama­zing torch singer na si Armie.

Namatay si Didith noong December 10 may ilang taon na ang nakararaan. Balitang meron siyang asphyxia. Nakahihinayang ang singing career ni Didith dahil nagumon siya sa droga at ‘di mapigilan sa pag-inom ng alak.

Si Pablo Vergara na dating Gala theater ang musical director ng nasabing show na pinamumunuan ni Boy Villasanta na manggagaling pa sa America para sa musical event na ito.                                            

 

ANTHONY CASTELO ARMIE ZUNIGA BAKIT AKO MAHIHIYA BOY VILLASANTA DELL RAMIREZ DIDITH DIDITH REYES MIGUEL CASTRO YUNG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with