Ate Vi natuto na, ayaw nang magpakalunod sa trabaho
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 30, 2014 - 12:00am

Excited na rin ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos sa pelikulang nakatakda niyang gawin sa Star Cinema with Angel Locsin. Ayon sa aktres, napakaganda raw kasi ng story.

“Iba, eh. Maski ‘yung karakter ko rito, maiiba. Nun’g nag-usap kami at nag-meeting, I told them I want something new. Kaya pati ‘yung buhok, iba, eh.

“Pero tingnan na lang natin pag final na, then that’s the time na sasabihin ko,” she said.

When asked kung may sampalan ba sila rito ni Angel, ayon kay Ate Vi ay hindi pa raw niya alam. Pero inamin niyang originally ay kasama sa cast ang anak niyang si Luis Manzano pero tumanggi ito.

“Originally talaga, kaming tatlo. Pero ang anak ko, parang ayaw muna niya, ‘yung sa relationship nila, masyadong malaki ang respeto ng anak ko sa relationship nila ni Angel. Ayaw niyang kahit paano, baka mapaglaruan. So, it’s the respect. And the good thing is nirerespeto naman namin ang desisyon ni Lucky,” pahayag ni Ate Vi.

Natanong din ang Star for All Seasons kung totoo bang may guesting siya sa Darna movie ni Angel at aniya ay hindi pa raw niya alam.

“Pero kung hihilingan ako ni Angel, okay lang, si Angel pa! Pero hindi naka-Darna (costume) ha, utang na loob ha? Excuse me!” natatawang say ni Ate Vi.

Sa totoo lang, ayon kay Ate Vi, ang dami raw niyang natanggihang movie, both indie and mainstream dahil nga sa trabaho niya sa Batangas. Kaya nga, sa sobrang pagod niya, bumigay na rin siya at nagkasakit nga recently.

Akala raw niya ay siya talaga si Darna pero nambabawi rin daw pala at naniningil din ang kanyang katawan.

“Ngayon, I take care of my health. Saka, space-space lang muna. Hindi ko kayang pagbigyan lahat, eh,” she said.

Okay na raw ang health pero siyempre, she has learned her lesson na dapat ding magpahinga talaga at huwag sagarin ang sarili sa trabaho.

Sa ngayon ay abala ang Star For All Seasons sa Ala Eh! Festival na gaganapin sa Taal, Batangas this first week of December. Sa Christmas naman ay dito lang daw sila ng kanyang pamilya at wala raw silang planong umalis ng bansa.

Amy kasama ang asawa at mga anak sa raket

Kakakasal pa lang ni Amy Perez sa kanyang asawang si Carlo Castillo pero may first project na agad ang kanilang pamilya. Silang mag-anak ang napili ng ATC Healthcare International Corporation para maging endorser ng Strike Mosquito Repellent.

Si Amy ay may dalawang anak, ang panganay ay si Adi na anak niya sa unang asawang si Brix Ferraris at ang youngest naman ay si Isaiah na anak nila ni Carlo.

Magkakaroon sila ng TVC (TV commercial) at excited daw ang mga bagets.

“At saka siyempre, kailangan ko muna silang kausapin at i-brief nang mabuti dahil hindi nga sila sanay sa ganitong daigdig ko. Kasi, everytime I’m with them naman, more than anything, talagang nanay ako,” say ni Amy sa press launch ng ATC Healthcare.

Actually, 3 weeks pa lang nakakasal si Amy at si Carlo. Eights years silang nag-live-in at hindi akalain ng TV host na darating din ang time na makakasal sila since hindi na niya inaasahan pang maga-grant ang annulment nila ni Brix na napakatagal din niyang kinarir.

Resigned na raw siya na makukuha pa ang annulment at napakalaki ng pasasalamat niya sa mister dahil ito raw talaga ang tumutok sa kaso hanggang sa finally ay na-grant na nga ito sa kanila last year.

Ngayon, finally, isa na siyang Mrs. Castillo. Tinatanong nga raw siya ni Carlo kung mayroon bang naiba sa pagsasama nila since 8 years na nga silang namumuhay na parang mag-asawa.

Ayon kay Amy, iba pa rin talaga kapag kasal ka.

“’Yung naitataas mo na rin ‘yung ulo mo at nasasabi mong may titulo ka na ikaw ay si Mrs. Castillo. Sinabi ko nga sa kanya, at least ngayon, masasabi ko, ako ang iyong legal wife,” say ni Amy.

ALL SEASONS ANAK ATE VI DARNA MRS. CASTILLO NIYA PERO RAW
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with