Gov. Vi gusto nang maka-graduate bilang gobernadora Luis at Angel hinihingian na ng apo
Gov. Vi gusto nang maka-graduate bilang gobernadora Luis at Angel hinihingian na ng apo
Jun Nardo (Pang-masa) - November 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Better and sexy na si Governor Vilma Santos-Recto nang humarap sa press launch ng Ala Eh! Festival ng Batangas na gagawin sa Taal simula December 1-8 at ang belated birthday treat sa kanya ni Mother Lily sa Valencia Homes.

“I’m better, I’m better. Maybe because…Talagang na-drain na and napagod na rin. At talagang naniningil…Ingat din kayo. Talagang naniningil sa sobrang pagod. Stress!

“But ang nag-trigger siguro, when Ate Aida (Fandialan) left us. So doon bumaba ang immune system ko. Doon naging sickly ako and I thank God, okey na. God is good! Okey naman lahat!” panimula ni Gov. Vilma.

Siyempre pa, hindi nakaligtas si Ate Vi tungkol sa tanong ng pagpapakasal ng anak na si Luis Manzano at Angel Locsin. Mahihiling ba niya sa anak na ikasal din sila sa Batangas ni Angel gaya nila ni Senador Ralph Recto?

“Ginawa naman akong pakialamera! Ha! Ha! Ha! Porke’t doon ako sa Lipa ikinasal!

“No, it’s their decision. Hindi ako. Kung saan sa tingin nila na sila’y matuloy na makasal, decision na nila ‘yon. If they want in Batangas, better. Kasi ako, doon ako ikinasal at sa ngayon, kami ni Ralph, 28 years na! So baka may suwerte!

“So depende na kay Lucky at na kay Angel ang desisyon!” sabi ng ina.

Excited na raw siyang mag-asawa ang anak at magka-apo siya.

“Oo! Totoo! Ha! ha! Ha! Nu’ng araw, medyo aayaw-ayaw pa ako, pero ngayon, gusto ko na! Ha! Ha! Ha!

“Kasi si Lucky is 32. Ahhh, kung sila ni Angel, nasa tamang edad na rin si Gel. Nu’ng nagdi-dinner kami, lagi kong sinasabi. ‘Anak, sige na!’ Ha! Ha! Ha! Gusto ko nang maka­kita ng baby!

“So but at the end of the day, nasa kanila. Kung pagpapalain at meron na at sana’y matuloy na, definitely, nai-excite ako!” paliwanag ni Governor Vilma.

So ano naman ang plano niya sa 2016 eh magtatapos na ang termino niya?

“Wala pa! Wala pa talaga! Nami-miss ko talaga ang showbiz. Talaga. Ahhh, gusto kong mag-shooting!” tugon ng Star for All Seasons.

Kinumpirma ni Ate Vi na tuloy ang movie nila ni Angel.

“Dapat nga kasi, nag-test shots na kami nitong November. Unfortunately, I got…Humina ang resistensiya ko.

“So anytime…Kaya lang December is so busy. Pero ­inaayos na ang shooting. Siguro I’ll start shooting January. And then ‘yung break ko…May summer break ako as a governor, baka kamukha ng ginawa ko sa In My Life, baka hihingin ko ang break. So that matuluy-tuloy ko ang shooting para sa Mother’s Day. Target ‘yon,” saad ng gobernadora.

Kung hindi raw siya tutuloy sa pagtakbo sa 2016, gusto ni Ate Vi na bumalik sa showbiz hindi lang bilang artista kunndi baka bilang movie producer.

“It’s just hindi lang matanggal sa puso ko ang sabik ko sa show business. Kasi after 2016, 18 years na po akong public servant. Labingwalong taon! I’ve served Lipa for 9 years and in 2016, another nine years.

“’Pag pinag-usapan ang pulitika, hindi ganoon kadali ‘yon. But the thing is pinakamasarap lang sa akin, labing walong taon din akong pinagkatiwalaan ng mga Batangueño that I can served them.

“So gusto kong tapusin ito na ga-graduate ako ng 2016 as the gover­nor of the province na masabi nilang Governor Vilma Santos served us well. She served us well!

“Hindi ko man ka­yang maghimala o kaya lahat ng problema, at least, marinig ko lamang na Governor Vilma Santos served as well! Pi­na­kamalaking bayad na ‘yon.

“So no plans in 2016 but definitely, I miss show business!” pahayag ni Gover­nor Vilma.

AHHH AKO ALA EH ALL SEASONS ANGEL LOCSIN ATE VI BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS KASI
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with