^

Pang Movies

Luis at Angel hindi pinag-uusapan ang pera

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi napag-uusapan nina Luis Manzano at Angel Locsin ang tungkol sa pre-nuptial agreement kapag ikinasal na silang dalawa. Ayon kay Luis mas malaki ang ipon ng nobya kaysa sa kanya at malayo ang talent fee na natatanggap nila. Si Luis ay host ng telebisyon samantalang leading-lady ang category ni Angel sa mga pelikula kaya mas malaki ang kita ng aktres kaysa sa kanya.

‘‘Sa pagkakakilala ko kay Angel ay napaka-logical nitong tao at sinasabi na ang pag-aari mo ay pag-aari mo,’’ anang Luis.

Wala pa silang balak na magpakasal at kung sakaling matuloy ito gusto nila ng simpleng seremonya lang pero sa simbahan ito gagawin at friends lang at kapamilya ang dadalo.

Mga taga-strawberry lane sumali sa poster-making

Nakipag-partner ang Strawberry Lane sa Children’s Legal Rights and Development Center sa UP Balay Internasyonal.

Noong nakaraang Sabado ang mga artista ng SL na sina Rita de Guzman, Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Jeric Gonzales, at Joana Marie Tan ay sumali sa Poster Making at Slogan Making Contest. Nagbigay din sila ng entertainment at inspirational message sa mga guest at participants.

Dahil sa Hunger Games, Gangster lolo ‘di tuloy ang pagpapalabas

Ngayong Miyerkules sana ang playdate ng Gangster Lolo pero ipalalabas ang Hunger Games sa halos lahat ng cinema. Nalulungkot ang mga prodyuser dahil maiiba ang playdate.

Ang mahalaga maganda naman ang promosyon ng movie na punumpuno ng katatawanan at aksyon na tinatampukan nina Leo Martinez,  Rez Cortez, Bembol Roco, Pen Medina, at Soxie Topacio.

Mapapanood ito ngayong Disyembre as pre-Christmas presentation ng Cosmic Raven Ventures Production.

ANGEL LOCSIN

BALAY INTERNASYONAL

BEMBOL ROCO

COSMIC RAVEN VENTURES PRODUCTION

GANGSTER LOLO

HUNGER GAMES

JERIC GONZALES

JOANA MARIE TAN

KIKO ESTRADA

KIM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with