^

Pang Movies

Carla at Tom sa hospital pa ang huling date

- Vinia Vivar - Pang-masa

“Hoping to date more” ang official status nina Carla Abellana and Tom Rodriguez. Ito ay ayon mismo sa young actress nang makatsikahan namin siya sa presscon ng Shake, Rattle & Roll kung saan ay bida siya sa episode na Ulam with Dennis Trillo.

Aminado naman siyang nasa dating stage sila ngayon, but the thing is, wala silang masyadong time na mag-date dahil sa kanilang hectic schedule.

“Sana makapag-date pa kami. Kasi ‘yung date namin, hospital, nagpa-check-up siya, ‘yun na ‘yun, hospital date, dalhin sa doktor. ‘Yun lang,” sabi ni Carla.

Bagama’t lagi silang magkasama sa trabaho, iba pa rin siyempre ‘yung pagsasama nila outside work. At siyempre, sa mga ganitong pagkakataon niya mas nakikilala ang isa’t isa.

“So, sana, mas makilala pa namin ang isa’t isa,” she said.

Mabait naman daw si Tom at consistent naman daw ang effort nito sa kanya. Pero naiintindihan naman din daw ng aktor na kailangan pa niya ng time at hindi naman nila kailangang magmadali.

Sa ngayon, kailangang humingi pa raw siya ng sign mula kay Lord para malaman kung panahon na para pumasok siya ulit sa panibagong relasyon after Geoff Eigenmann.

Samantala, natanong din namin kay Carla kung totoong may gap sila ng ama niyang si Rey “PJ” Abellana at aniya, wala siyang alam na may ganu’ng issue dahil okay daw sila ng Papa niya.

“Okay kami, I love Papa,” she said.

Nagsasabi ba siya sa Papa niya ng tungkol sa kanila ni Tom?

“Hindi, never ako nag-open up sa daddy ko about private life,” she said.

Pero nagpahayag na si PJ ng pagkaboto kay Tom at say ni Carla, hindi naman siya magtataka kung magustuhan ng daddy niya ang aktor.

“Di ako surprised kasi mabait na tao talaga, eh. Sabi ko nga, hindi ko na kailangang i-sugar-coat, hindi ko na kailangang palabasin na mabait siya,” say pa ng actress.

Nash nape-pressure sa mataas na rating ng Bagito

Ayon kay Nash Aguas, hindi raw niya ine-expect na sobrang taas ang makukuha na ratings ng pilot episode ng Bagito. Pumalo kasi ito sa 27.2% kaya naman sobrang happy ang bagets.

“Sobrang nakakatuwa po and pressured po kasi sobrang taas ng ratings 27.2 Hindi ko po ini-expect na ganoon karami ang manonood kahit sobrang ikli lang ng promotions at ora-orada ang pag-ere namin,” say ni Nash in his latest interview.

Kwento pa ni Nash, Bagito na raw ang tawag ng mga tao sa kanya ngayon considering na kaeere pa lang nito last Monday.

“Siguro po ‘yung pagbabago ‘yung tingin sa akin ng ibang tao, ‘yung nakikita nila na Bagito po ang tawag sa akin siguro nahu-hook sila sa character ko doon sa Bagito. Natutuwa ako kasi ibig sabihin noon ay nagawa ko ang parte ko as an artist ng maganda kasi ang character ko ay tumatatak sa tao,” say pa ni Nash.

Mommy ni Toni dedma kahit flop ang concert ng anak

Dedma na lang ang madir ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty sa mga nagsabing flop ang huling concert ng anak niya na Celestine: Toni Gonzaga na ginanap sa Mall of Asia Arena last October 3.

Definitely, ang mga nagsasabi nito ay hindi nakapanood at hindi nasaksihan mismo ang dami ng taong nanonood dahil ayon nga sa katotong si Wendell Alvarez, he was there at nasa 90% daw ang tao that night.

Ayaw na lang patulan ni Mommy Pinty ang intriga at sa halip, mas gusto niyang magpasalamat sa lahat ng mga writers na nagsulat ng maganda tungkol sa concert.

BAGITO

CARLA

CARLA ABELLANA AND TOM RODRIGUEZ

DENNIS TRILLO

GEOFF EIGENMANN

MOMMY PINTY

SIYA

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with