Ate Vi nagiging pasaway, sinusuway ang bilin ng doctor na bawal na bawal lumabas ng bahay!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 19, 2014 - 12:00am

Hindi naman siguro tamang gumawa ng isang mabilis na conclusion na ini-snub nga ni Governor Vilma Santos ang reunion ng senior stars. Si­gurado namang gusto rin ni Ate Vi na makadalo sa mga ganoong g­atherings. Alam naman natin na sabik din siyang makita at makausap ang mga dati niyang nakasama sa kanyang mga pelikula simula pa noong araw, at hindi nga natin maikakaila na ang kanyang career bilang isang aktres ay nagsimula rin naman sa bakuran ng Sampaguita Pictures, pero talagang mahigpit ang bilin ng kanyang mga doctor na kailangan niya ng pahinga.

Aminado naman si Ate Vi na hindi na siya bumabata, kahit na nga sa biruan ang claim niya ay ‘37 years old’ lang siya ngayon. Medyo matigas nga lang ang ulo niya, hindi siya mapigilan sa pagpasok sa kapitolyo kahit na sinabi naman sa kanya na tatakbo rin naman ang lahat kahit namamahinga siya. After all, alam naman ng mga tauhan nila kung ano ang mga dapat gawin. Kaya nga lang, ang naaalala naman niya ay ang mga taong nagpupunta sa kapitolyo na siya ang gustong makaharap at hinahanap.

Kung minsan nga, maging ang mga nagbabakasyon lamang sa Batangas, gusto pang dumaan sa kapitolyo para makita lamang siya at makapagpa-picture taking kahit na sandali. Ang katuwiran naman ni Ate Vi, kung makatutulong iyon sa turismo ng kanilang bayan, sige lang. After all, hindi naman talagang istorbo sa trabaho iyon dahil sandaling-sandali lang naman ang mga iyon. Alam naman nila kung gaano siya ka-busy at saka usually naghihintay naman sila hanggang sa magkaroon ng break sa opisina.

Pero talagang sinasabi kahit na ng kanyang office staff, mahigpit na silang pinagbilinan na kailangan nga ng pahinga ng kanilang gobernadora. Si Ate Vi lang ang mismong kilos pa rin nang kilos at hindi maawat.

Ang talaga lang binawasan ni Ate Vi ay ang kanyang mga outside activities. Hindi na siya naglalalabas kung hindi rin lang may kinalaman sa kanyang trabaho, kaya nga siguro na-skip na niya ang pagdalo sa reunion ng mga artistang kanyang kapanabayan kahit na gusto rin niya.

Cristine at boyfriend nagpa-marriage counseling

Sumasailalim naman para sa marriage counseling si Cristine Reyes, at ang kanyang boyfriend na si Ali Khatibi ngayong on the family way na siya, kahit na nga hindi pa naman sila kasal. Balak nilang magpakasal pagkatapos ipa­nganak ang kanilang unang baby. Mahirap daw kasi para kay Cristine ang mag-intindi nang ganoon dahil pinayuhan din siya ng complete rest habang siya ay buntis. Iyon nga namang preparasyon sa kasal ay may stress din.

Ang importante lang doon ay naroroon naman ang kanilang intention na magpakasal at ilagay sa ayos ang kanilang pagsasama. Hindi naman sila kagaya ng iba na mag-aanak lang pero walang balak bumuo ng isang pamilya. Kahit na sabihing karaniwan nang nangyayari ang ganoon, hindi healthy para sa isang bata iyong lumaking hindi buo ang pamilya.

Ang boyfriend ni Cristine ay isang model at mixed martial arts practitioner na nakakasali nga sa mga laban ng URCC. “Pero mabait naman siya,” sabi ni Cristine. Kaya siguradong hindi naman gagamitin sa kanya ang nalalaman noon sa mixed martial arts.

Ngayon, naghihintay na lang sila ng four months pa para sa kanilang baby.

ATE VI CRISTINE KAHIT LANG NAMAN SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with