^

Pang Movies

AiAi ayaw nang balikan ang nakaraan, masayang-masaya sa nangyayari sa buhay ngayon

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni AiAi delas Alas na bida sa Past Tense na nag-i-enjoy ito sa kanyang buhay ngayon. Kagagaling lang ng Comedy Queen sa kanyang pagkakasakit pero maganda ang aura nang humarap ito sa press people kamakailan.

‘‘Wala na akong babalikan pa. Ayoko na. Masaya na ako sa buhay ko kaya enjoy muna. Life is too short kaya gusto kong gumawa ng mga bagay na makabuluhan,’’ aniya.

Puring-puri ito ng mga kasamahan na sina Kim Chiu at Xian Lim sa Past Tense. Sinabi nila na kahit big star na ang aktres ay humble pa rin ito.

‘‘Working with comedy queen is fun. Tatawa ka nang tatawa at ‘di makakaramdam ng pagod,’’ anang Kim.

Maagang pamasko ng Star Cinema ang Past Tense kung saan nakasentro ito sa buhay ni Bhe na ginampanan ni Aiai.

Palabas na ang pelikula sa Nobyembre 26 mula sa Star Cinema sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.

Isabel sinamahan ang mga bilanggong senior citizen

Maniniwala ba kayo na ang isang kagandahang babae sa katauhan ni Isabel Granada ay sasamahan ang mga senior citizen sa piitan? Pero sa pelikula lang ito na Gangster Lolo tampok si Leo Martinez at mga kasamahang sina Rez Cortez, Bembol Roco, Pen Medina, at Soxie Topacio.

Nahuli ang mga gangster na lolo dahil sa serye ng pagnanakaw at holdapan sa Metropolis. Na-in love si Leo bilang Asiong Salonpas sa police officer na si Isabel Granada. Nagsilbing inspirasyon ang dilag kaya nagpakabuti ang grupo ni Leo at napawalang sala later on.

Puno ng katatawanan ang pelikula kung saan subok na sa pagiging kontrabida sina Pen, Bembol, at sa komedi naman si Soxie at Leo. Magbibida sila sa pelikulang ito kung saan hindi lang sila magpapatawa kundi sasabak din sa aksyon. Makikipagbakbakan sila sa grupo ng masasamang-loob. Palabas na ito sa inyong paboritong sinehan simula Nov. 19.

Leo, Rez, Bembol, Pen, at Soxie sinugalan ng mga produ

Tinanong namin ang mga prodyuser ng Gangster Lolo na sina Randy at Marilou Nonato, Edgar at Aida Peria at Maureen Carlos kung ano ang nagbunsod sa kanila para magprodyus. Ayon sa kanila, mahilig sila sa entertainment at nasa field ng broadcasting si Randy. Kung sakaling hindi sila palarin sa first venture ay positibo naman ang kanilang pananaw na kikita ito. Alas nila ang magandang pelikulang katatawanan at magagaling pa ang mga artista. Prodyus ng Cosmic Raven Ventures Productions ang Gangster Lolo.

AIDA PERIA

ASIONG SALONPAS

BEMBOL

GANGSTER LOLO

ISABEL GRANADA

PAST TENSE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with