Nora dinalaw ang mga bukirin sa Bicol
Vir Gonzales (Pang-masa) - November 16, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dumating na ang Superstar Nora Aunor ga­ling Amerika na binigyan ng parangal doon ng mga kababayan nating Pinoy. Pag-uwi ng Pilipinas ay dumiretso siya sa Camarines Sur para magbakasyon. Nakalimang pelikulang ginawa si Guy at type naman niyang magpahinga muna. Dadalawin ng Superstar ang bukirin niya sa Bicol.

Iñigo at Sofia ‘di muna dapat maghalikan

Ano ba ‘yan, kasisimula pa lang ni Iñigo Pascual sa showbiz may kissing scene agad ito kay Sofia Andres? Napakabata pa ng dalawa para magkaroon ng ganu’ng eksena. Dapat malaman nila na tinutularan sila ng kanilang mga tagahanga. Kaya’t huwag muna sila dapat bigyan agad ng mga ganito kaselang eksena. Dapat ituro muna nila ang pag-aaral at hindi makabuntis ng girlfriend. Saan ba patungo ang halikang ‘yan?

Monsour hindi pa rin matanggihan ang showbiz

Kahit abala ang konsehal ng Makati na si dating action star na si Monsour del Rosario, hindi pa rin nito matanggihan ang showbiz. May importante siyang role sa pang-MMFF (Metro Manila Film Festival) na Bonifacio: Ang Unang Pangulo bilang isa sa GOMBURZA.

Pauleen huwag naman sanang lumaki na tulad ni Ruby

Sino kaya ang tatahi ng wedding gown na gagamitin ni Pauleen Luna kapag natuloy ang pangakong kasal ni Bossing Vic Sotto? Sa wakas, matutupad na rin ang dream ng kanilang mga tagahanga. Akala daw kasi drawing lang ito dahil tuwing ipalalabas ang MMFF, saka nababalitang pakakasalan na ni Bossing si Pauleen. Napapansing tumataba si Pauleen. Pero huwag naman sanang matulad kay Ruby Rodriguez ang katabaan ng dating Little Miss Philippines, dahil baka maurong ang kasal nila ni Vic. Joke.

ANG UNANG PANGULO BOSSING VIC SOTTO CAMARINES SUR DAPAT LITTLE MISS PHILIPPINES METRO MANILA FILM FESTIVAL MONSOUR PAULEEN PAULEEN LUNA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with