Mga magwawagi itatampok sa World Premieres Film Festival, FDCP may pa-contest sa mga Pinoy scriptwriters
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - November 11, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tinatawagan ng pansin ang lahat ng Pinoy scriptwriters ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na mag-submit ng kanilang entries para sa Climate Change Scriptwriting Contest. Ang entries na isa-submit ay dapat naka-focus sa aspeto ng climate change, na puwedeng A) short feature script, or B) full-length documentary script. Ang deadline ng submissions ay sa December 19, 2014.

Hinahamon ang mga writers na mag-research sa topic ng climate change na nagbigay ng catastrophic storms sa ating bansa na siyang nararanasan pa rin natin ngayon.

Ang magiging winners ng contest ay huhusgahan ng dalawang separate competition committee juries, one jury for each category. Ang winners ay ia-announce sa January, 2015.

Ang winners sa short feature script category ay tatanggap ng mga sumusunod na premyo, 1st place: Php 50,000, 2nd place: Php 25,000, at 3rd place: Php 10,000.

Ang winners sa full length documentary script category naman tatanggap ng mga sumusunod, 1st place: Php 100,000, 2nd place: Php 50,000, at 3rd place: Php 25,000.

Kapag nakapili na ng mga winning scripts, magpu-provide ang FDCP ng seed amount para sa kanilang productions and outputs upang magawan ng short feature (na hahaba lamang ng 10 hanggang 20 minuto) o isang full-length documentary (at least 40 mins. ang haba). Ang seed amounts ay nagkakahalaga ng Php 150,000 each, sa tatlong shorts na mapipilit, at Php 500,000 each, sa tatlong full length documentary productions. Ang anim din na kabilang sa napiling short feature at full length documentary ay ipalalabas sa World Premieres Film Festival Philippines na gaganapin sa June 2015.

Ang entry forms and guidelines ay available sa www.fdcp.ph. Kailangang makumpleto ang mga forms at mai-submit kasama ang kumpletong screenplay entry. Forms may sent online to script@fdcp.ph or brought to the FDCP offices (26th floor Export Bank Plaza, Sen. Gil Puyat Ave. cor. Chino Roces Ave., Makati City).

Ang deadline ng submission ay sa December 19, 2014, alas-5 ng hapon.
Para sa iba pang impormasyon bisitahin lang ang (www.fdcp.ph) o mag-email sa script@fdcp.ph o kaya ay tumawag sa numero bilang 846-2498 loc. 107.

CHINO ROCES AVE CLIMATE CHANGE SCRIPTWRITING CONTEST EXPORT BANK PLAZA FDCP FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES GIL PUYAT AVE MAKATI CITY PHP SCRIPT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with