^

Pang Movies

Sa sobrang kakuriputan beteranang aktres niregaluhan ng bulaklak na galing sa puntod ang kaibigang nag-birthday

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakaloka itong si beteranang sexy actress na dating beauty queen na sobrang kuripot pagdating sa pagbibigay regalo. Naintindihan naman namin kung gaano kahalaga sa kanya ang bawat sentimong kinikita bilang artista at negosyante noon pa mang maliit pa ang anak niya. Masipag ‘yan sa pagbebenta ng kung anu-ano. Pero naloka kami sa kuwento nang dumalo ito na isang birthday party ng isang kaibigan. May regalong bulaklak daw ito sa nag-birthday. Wala namang masama kung bulaklak man ang regalo at naranasan naman din namin na makatanggap ng flowers tuwing birthday namin. Ang nakakaloka ay imbes na bumili ng bulaklak ay mula daw sa isang puntod na dinalaw sa isang sementeryo nanggaling ang bulaklak.

Yes ni-recycle lang daw ang naturang bulaklak na iniregalo sa kaibigan galing sa isang puntod.

Baka naman gahol na sa panahon kaya dun na lang kinuha ang bulaklak. Talbog !!!  

 

BIRTHDAY

BULAKLAK

DAW

ISANG

MASIPAG

NAINTINDIHAN

NAKAKALOKA

PERO

TALBOG

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with