_pang-masa
^

Sharon hindi iniwan ang ina mula nang maratay hanggang pumanaw

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 7, 2014 - 12:00am

Feel namin ang nararamdaman ngayon ni Sharon Cuneta sa pagpanaw ng kanyang Mommy Elaine Cuneta last Wednesday afternoon, November 5.

Hindi rin namin malilimutan kung gaano kabait si Mommy Elaine lalo na noong araw na madalas din namin siyang nakikita at nakakausap sa Dasma­riñas Village home nila sa mga tsikahan noon with Sharon.

Later, nang yumao na si Mayor Pablo Cuneta, natatandaan na­ming naikuwento ni Sha­ron na kahit anong pilit nila ng Kuya Chet niya (her only brother) na sumama na sa kanila si Mommy Elaine, ayaw nitong umalis sa Dasmariñas home nila dahil iyon daw ang bahay nila ng yumaong asawa. Kaya sinamahan na siya ng family ni Chet para hindi siya nag-iisa sa kanilang bahay. Hindi rin iniwan ni Sharon ang ina nang maospital ito two months ago at nasa tabi siya with the other members of the family nang pumanaw ito.

To the Cuneta and Gamboa family, our condolences and prayers.

Kris in love na kay Dennis

Nag-trending topic sa social media ang nasulat namin noon na pinanggigilan ni Mikael Daez si Andrea Torres sa love scene nila sa Ang Lihim ni Anna­sandra kahit napanood ito sa afternoon prime sa GMA 7, dahil may classification itong SPG (Strict Parental Guidance) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kaya hindi kami magtataka kung magti-trending din sa social media ang love scene naman nina Dennis Trillo at Kris Bernal sa Hiram na Alaala na nasa primetime naman ng GMA 7, after Strawberry Lane at may SPG classification din. Hindi nga raw nahirapan si Direk Dominic Zapata na kumbinsihin si Kris dahil bago pa man pala sila nagsimulang mag-taping, alam na ni Kris ang itatakbo ng story at nag-promise na siya na gagawin niya anuman ang hingin ng character niya bilang si Andrea na so in love kay Joseph (Rocco Nacino) at halos ikamatay niya nang mawala ito sa ambush. Pero nang bumalik si Joseph sa katauhan ni Ivan (Dennis Trillo) nabaling ang pag-ibig niya kay Ivan.

Wedding gown ni Marian hindi puwedeng makita ni Dingdong

Hindi yata uso ang jetlag kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil right after nilang dumating sa Dubai last Wednesday afternoon, nagkaroon na agad sila ng meet and greet sa fans at interview sa isang radio station doon para mag-imbita sa kanilang Kapusong Pinoy sa Dubai show. At sa interview sa kanila ng 24 Oras kinagabihan, sinabi ni Marian na muli silang magkikita ni Michael Cinco, ang Pinoy fashion designer based sa Dubai na siyang gumawa ng kanyang wedding gown, para sa fitting nito. Totoo kayang hindi makikita ni Dingdong ang kanyang wedding gown until sa wedding day nila sa December 30?

 

ANDREA TORRES ANG LIHIM DENNIS TRILLO DINGDONG DANTES DIREK DOMINIC ZAPATA DUBAI MOMMY ELAINE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with