Moron 5.2 certified box office, pero Matteo hindi sinuportahan ni Sarah sa pelikula
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 7, 2014 - 12:00am

Sosyal si Matteo Guidicelli dahil umuwi siya kahapon sa Cebu City para sa private screening ng Moron 5.2 The Transformation.

Nakakatuwa ang pagpapahalaga na ibinigay ni Matteo sa pelikula na nakakaaliw at nakababaliw na dapat  panoorin ng publiko.

Hindi nabale-wala ang pagod ni Matteo sa biyahe dahil sold out ang tickets sa sinehan ng Ayala Cebu Cinema na pagtatanghalan ng Moron 5.2 The Transformation.

Mahigit sa 4,000 ang seating capacity ng sinehan at tuwang-tuwa si Matteo dahil walang silya na bakante. Ganoong karami ang  bilang ng mga tao na gustong kasama si Matteo habang pinapanood ang Moron 5.2.

Walang Sarah Geronimo sa private screening ng Moron 5.2 The Transformation sa Ayala Cebu Ci­nema. Imposible na payagan si Sarah ng kanyang mga magulang na sumama kay Matteo sa Cebu ‘no!

Nagbukas sa nationwide cinemas noong Miyerkoles ang Moron 5.2 The Transformation.

Masaya sa bakuran ng Viva Films dahil certified blockbuster ang latest comedy movie nila.

Dahil sa box office success ng Moron 5.2, hindi malabo na magkaroon ng Part 3 ang pelikula ng direktor na si Wenn Deramas. Malapit na akong maniwala na lucky charm ni Wenn ang isa sa mga bida ng Moron 5.2. Kung sino, hulaan ninyo!

Billboard ni Joey na-wow mali

Kumalat kahapon ang litrato ng nakabaligtad na billboard ng Wow Mali, ang gag show ni Joey de Leon sa TV5.

May mga nagulat nang makita ang nakabaligtad na billboard ng TV show ni Papa Joey pero may mga nagduda na sinadya ‘yon para akmang-akma sa title.

Kung ako ang tatanungin, halata na sinadya na ikabit ng pabaligtad ang billboard. Imposible naman na hindi napansin ng mga nag-install ng billboard ang kanilang pagkakamali. Hindi nga ako magtataka kung idea ni Papa Joey na baligtarin ang billboard ng Wow Mali!  

Julian Estrada sinita ng Star Magic sa pag-aming naging sila ni Julia

How true na may meeting kahapon sa mga bossing ng  Star Magic si Julian Estrada at ang kanyang madir na si Precy Ejercito?

May kinalaman kaya ang meeting sa admission ni Julian sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na nagkaroon sila ni Julia Barretto ng short-lived relationship noon?

Naging isyu ang pag-amin ni Julian dahil diumano, hindi ito nagustuhan ng mga tao na nasa paligid ni Julia.

 Pero kung dinedma ang isyu, hindi ito magi­ging big deal at kusang lilipas na parang wala lang dahil iisipin ng mga tao na puppy love lamang ang n­amagitan kina Julia at Julian.                

Dingdong at Marian ramdam ang mabilis na takbo ng panahon

Out of the country sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Umalis sila ng Pilipinas noong Miyerkules dahil sa show nila ngayon sa Dubai.

 Ang magdyowa ang inimbitahan ng GMA Pinoy TV para mag-perform para sa mga kababayan natin sa Dubai.

Kasama nina Marian at Dingdong sa Dubai ang kanilang mga manager at ang make-up artist na si Bambbi Fuentes.

Matagal nang naka-schedule ang Dubai trip ni Bambbi kaya absent ito sa shooting ng Feng Shui 2. Babalik agad sa Pilipinas ang grupo dahil hindi puwedeng magtagal sa Dubai sina Dingdong at Marian na marami pa na dapat asika­suhin para sa kanilang papalapit na wedding day sa December 30.

Ramdam na ramdam nina Marian at Dingdong ang mabilis na takbo ng panahon. Parang kailan lang nang mag-propose ng kasal si Dingdong kay Marian sa national television.

 

DAHIL DUBAI JULIA JULIAN ESTRADA MATTEO PAPA JOEY STAR MAGIC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with