^

Alden Richards na-in love sa Vigan

(Pang-masa) - November 6, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sa Vigan nag-stay si Alden Richards, na gumaganap bilang si Jose Rizal sa bayaniserye ng GMA na Ilustrado, noong huling linggo ng Oktubre para sa pagdiriwang nito  ng Raniag Twilight Festival.

Kahit pa hindi naman first time ni Alden na mapunta sa Vigan, humanga pa rin siya sa old world charm ng siyudad.

Noong gabi ng Oktubre 27, nakisaya si Alden sa isang Kapuso Fiesta kasama si Louise de los Reyes ng GMA Artist Center at si Max Collins na gumaganap naman bilang Consuelo Ortiga sa Ilustrado. Bago ang show, sinamantala ni Alden ang araw para maglibot sa Heritage City of Vigan.

Kinabukasan, sinamahan ni Alden ang nag-iisang Asia’s Songbird at Bet ng Bayan co-host niyang si Regine Velasquez-Alcasid na aliwin ang mga Bigueño sa Bet ng Bayan North Luzon regional showdown.

Napaindak ang lahat sa pagkanta ni Regine ng Sumayaw, Sumunod sa opening ng show. Sinundan naman ito ng makapigil-hiningang face-off sa pagitan ng anim na bets (two per category) mula sa Dagupan at Baguio sa Plaza Salcedo, kung saan ang mga nagwagi ay magpapasiklaban sa Luzon semi-finals.

Hindi lang mga audience ang napabilib ng contestants kundi maging ang panel of judges—ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ang Pop Diva na si Kuh Ledesma, at ang Apo ­Hiking Society member na si Jim Paredes, na isa ring Ilokano—ay napahanga rin.

Sina Andrea Torres, Pancho Magno, at Cris Villongco naman mula sa afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra ay naroon din sa show matapos sumali sa makulay na Raniag Twilight Parade.

ALDEN RICHARDS ANG LIHIM BAYAN CONSUELO ORTIGA CRIS VILLONGCO DINGDONG DANTES HERITAGE CITY OF VIGAN HIKING SOCIETY ILUSTRADO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with