Pagwawala at pagkakakulong ginawang katatawanan, Billy durog na durog sa Moron 5.2
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 5, 2014 - 12:00am

Gusto ba ninyong tumawa at makalimutan muna ang mga problema n’yo? Irirekomenda namin sa inyong panoorin ang Moron 5.2 The Transformation ni Direk Wenn Deramas from Viva Films. Very successful ang premiere night ng movie na nagtatampok kina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, Matteo Guidicelli, at John “Sweet” Lapus at talaga namang umuugong ang tawanan sa loob ng Cinema 9 ng SM Megamall. Kami man ay nahirapang magpigil sa pagtawa.

Walang pretension ang movie at pupurihin n’yo si Direk Wenn sa story dahil series ito ng mga kalokohan ng limang moronic friends and their misadventures. Mukhang hindi na nga kailangan ang script dahil anything goes ang kabaliwan ng lima. Nagpatawa lamang sila at kasali sa pagpapatawa ang mga past presidents natin na sina Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo and even our President Noynoy Aquino. Kumuha pa ng kamukha niya (P-Noy) pero mataba at ubo nang ubo sa eksena. Nakatuwaan din nila si Direk Wenn at ang unang idinirek nitong Moron 5. Tawang-tawa rin kami kay Sweet bilang Becky Pamintuan na ilang beses tumakas sa mental hospital at kahit ano’ng gawin niya, lagi siyang nahuhuli at muling ibinabalik dito. Naroon din si Jon Santos as mommy Vi (Vilma Santos) ni Luis at lola naman niya si Divina Valencia na may nunal tulad ni Nora Aunor at siyempre pa, magkaaway ang magbiyenan.

Kahit ang mga sarili nila ay pinagtawanan ng lima, pero ang pinakanagamit ang experience niya recently ay si Billy, na nakulong sa presinto. Nagwawala kasi ito tuwing nababanggit iyon. Totoo ring kitang-kita ang katabaan ni Billy habang sinu-shooting nila ang movie. Totoong-totoo na nagalit siya kay Matteo na siya raw ang may kasalanan ng lahat kaya siya na-presinto. At si Matteo, hindi pinigilan ni Direk Wenn na ngumiti at tumawa tuwing babanggitin ng apat na papogi points ang ginagawa niya sa eksena para sa girlfriend na si Sarah Geronimo. Halata rin ang Cebuano intonation ni Matteo.

Ngayong araw na ito ang showing ng movie in cinemas nationwide at magugulat na lamang kayo kung sino ang katambal ni Matteo sa movie, sino nga ba si Sarah Joy? Si Luis kasi, napangasawa si Yam Concepcion, si Billy si Danita Paner, si Marvin si Nikki Valdez at si DJ Durano, si Mylene Dizon. Nagkaroon din ng matatalinong anak ang apat except for Matteo na kunwari ay may hawak na baby. Mas maganda rin na pinagsuot sila ng mga superhero costumes kaysa noong unang Moron 5.

BECKY PAMINTUAN BILLY CRAWFORD CORY AQUINO DANITA PANER DIREK WENN DIREK WENN DERAMAS DIVINA VALENCIA DURANO MATTEO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with