Tatay ni Angel hanga sa pagpapalaki ni Gov. Vi kay Luis
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - November 3, 2014 - 12:00am

Dumalaw ako kina Angel Locsin noong nakaraang Linggo para kumustahin ang ama nitong si Mang Angel na napalapit sa amin. Marami kaming napagkuwentuhan at isa na rito ang tungkol kay Lucky Manzano. Boto ang ama ng aktres sa nobyo dahil mabait ito at magalang pa.

Anang Mang Angel ‘‘Hanga ako kay Gov. Vilma Santos dahil sa ganda ng pagpapalaki nito kay Lucky. Napakabait na bata at magalang sa matanda. Mahal na mahal niya si Angel at alam ko na magiging masaya sila sakaling lumagay sa tahimik.’’

Abala ngayon si Angel sa pag-i-scuba diving dahil gusto nitong mapanatiling physically fit para sa Darna project nito.

Tom nagpapakapormal kay Rey ‘PJ’

Nag-meet na si Rey “PJ” Abellana at Tom Rodriguez na nanliligaw sa anak na si Carla Abellana nang mag-guest ang una sa Don’t Lose The Money.

Sir Rey ang tawag ng aktor sa ama ng aktres at pinayuhan si Tom na mag-concentrate muna sa trabaho.

Sabi pa nito kay Tom ‘‘Good Luck nalang sa inyo ni Carla.’’

Sa kabilang banda kasama si Rey sa More Than Words at reunited ito sa dati niyang ka-love team na si Leni Santos.

Non-showbiz ang husband ni Leni pero hiwalay na sila ayon sa mananger nitong si Eugene Asis. Hiwalay na din si Rey sa dating aswang si Rea kung saan dalawa din ang naging anak nila.

Nahihirapan nang magtrabaho si Leni sa Las Vegas bilang medical technologist kaya sumubok siyang magbalik sa ‘Pinas. Dalawa ang anak nito, sina Janika Lereina at Jeffrey Niccolo.

ANANG MANG ANGEL ANGEL LOCSIN CARLA ABELLANA EUGENE ASIS GOOD LUCK JANIKA LEREINA JEFFREY NICCOLO LAS VEGAS LENI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with