Birthday ni Gov. Vilma pangpamilya na lang!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 3, 2014 - 12:00am

Birthday ngayon ng magaling na aktres at gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos-Recto. Pero dahil kagagaling nga lang sa sakit, wala siya talagang public party. Pero siyempre hindi naman niya maiiwasang harapin ang mga tauhan niya sa kapitolyo na nakasanayan nang kung birthday niya ay nakakasama rin siya. Pero sinasabi nga ni Ate Vi, private celebration lang with the family.

Ngayon nagagawa na nga iyan ni Ate Vi, kasi kahit na papaano medyo pribado na ang kanyang buhay. At karamihan naman sa fans niya ay matured na at naiintindihan na kung minsan kailangan din naman niya ng privacy, lalo na nga ngayon na kagagaling lang niya sa sakit.

Pero noong araw, hindi puwede ang ganyan. Talagang nagkakagulo ang fans noon basta birthday ni Ate Vi. Natatandaan namin noong panahong teen star pa lamang siya, puno ang harapan ng bahay nila ng maraming mga inarkilang bus ng fans na galing pa sa probinsiya. Hindi naman sila kakasya sa loob ng bahay dahil sa dami nila, at alam nila iyon. Pero dumarayo sila, at happy na, basta makita lang sila at makawayan ni Ate Vi. Ganoon katindi ang fans noong araw.

Noong mayroon pa siyang regular TV show, ganoon din ang nangyayari basta birthday niya. Iyong likod ng Broadway Studio noon ng GMA 7 punung-puno ng bus na sinakyan ng fans. Hindi rin naman sila kasya sa loob ng studio, kaya ang ginagawa ay naglalagay na lang ng monitor sa labas para makita nila kung ano ang nangyayari sa show. Pagkatapos ng show, lalabas si Ate Vi kahit pagod na. Kakaway sa kanyang mga fans at happy na sila noon.

Ganoon katindi ang Vilmanians noong araw. Ngayon nga hindi na masyado, pero tinatangkilik pa rin nila basta may pelikula si Ate Vi. Nanonood sila sa mga TV shows kung saan siya guest, at sa maniwala kayo’t sa hindi, bugbog sa e-mail ang websites maging ng kapitolyo ng Batangas na ipinapaabot sa governor na gusto nilang gumawa siya ng pelikula.

Pero sinasabi nga ng fans, another year to go na lang naman ang kanilang pag­hihintay. Kasi nga umaasa sila na pagkatapos ng kanyang term bilang governor ng Batangas, babalik siya sa show business. (Maligayang kaarawan Gov. Vi. - SVA)

Janine inuulan ng suwerte

Maraming dahilan kung bakit happy ngayon si Janine Gutierrez. Una, iyon ngang desisyon ng GMA 7 na ang kanilang ginawang seryeng More Than Words ay ilagay sa prime time pagkatapos ng 24 Oras. Ikalawa, may title na rin siya bilang Princess of GMA Dramas, na ok naman dahil mataas ang ratings ng nauna niyang serye, at inaasahang mas maganda pa nga ang ratings nitong bago.

Pero ang mas nakakapagpasaya kay Janine ay ang katotohanang ok naman sa kanilang mga magulang ang kanilang relasyon ni Elmo Magalona. Magkaibigan naman kasi ang mga tatay nila, at wala naman talagang masasabing hindi maganda sa kanilang dalawa ang sinuman sa kanilang mga magulang. Kaya natural lang naman na walang objections ang mga magulang nila sa relasyon nila.

Palagay din namin, magiging malaking star nga si Janine. Showbiz family din kasi eh. Tatay niya si Monching Gutierrez at nanay niya si Lotlot de Leon, na kapwa galing sa malalaking showbiz clan.

ATE VI BATANGAS BROADWAY STUDIO JANINE NAMAN NILA NIYA PERO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with