Dingdong at Marian raraket sa Dubai
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 1, 2014 - 12:00am

Kung may natuwa sa grabeng traffic going south para sa mga uuwi sa probinsiya for today and tomorrow’s All Saints and All Souls days, ang fans iyon ng tina­guriang Royal Couple, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Early morning kasi kahapon, nakita nang nakataas ang billboard ng BenchTM na ginawa nila para kina Dingdong at Marian for their latest Holiday campaign. At kitang-kita ito along EDSA Magallanes flyover. Ikinatuwa ito ng mga DongYan fans dahil nagpunta sila ng Enchanted Kingdom in Sta. Rosa, Laguna, kahapon dahil may event doon si Dingdong para sa movie niyang Kubot: The Aswang Chronicles 2 for the coming Metro Manila Film Festival sa December. Tamang-tama kasi ang horror movie para sa Undas.

May isa pang bridal pictorial naman si Marian for a billboard bago sila umalis nina Dingdong at Julie Ann San Jose for their Dubai show sa November 7.  Tuluy-tuloy pa rin si Marian sa pagti-taping ng kanyang dance show na Marian at tonight, mananakot siya sa kanyang Black Widow-inspired dance number, and with her special guests.

Jaclyn ayaw nang makisawsaw sa problema ni Andi

First time ni Jaclyn Jose na magpapa­tawa sa isang romantic-comedy-drama se­ries, ang More Than Words at sabi nga niya, magaan lagi ang feelings niya after ng taping, hindi tulad noong kontrabida lagi ang role niya. Umaga pa raw lamang kasi, sa pagsisimula ng taping bilang kontrabida, galit na siya kaya maghapon, galit siya, nakaka-drain daw ang mga eksena. But with her new soap, bukod sa magpapatawa siya, isa siyang stay-out yaya at mabait na nanay to Ikay (Janine Gutierrez).  Sayang nga lamang na nabago na muli ang date of airing ng More Than Words.  Sana ay final na nga na mapapanood na ito sa primetime slot simula sa November 17, after ng 24 Oras.

Nakumusta nga pala kay Jaclyn ang relasyon nila ngayon ng anak na si Andi. Magkasama pa rin daw sila sa bahay, with her apo, si Elle. Hindi na raw siya nagsasalita pa kay Andi tungkol sa relas­yon nito kay Jake Ejercito, dahil nakikita naman niya  na kaya namang dalhin ng anak anumang dumarating sa kanya. Pinalaki raw niyang matapang din si Andi, hindi raw ito open sa kanya at hindi rin humihingi ng advice. Pero sabi niya rito, na naroon lamang siya kung kailangan siya.

Host/actress/singer lilipat din sa GMA

Bumalik muli si Iya Villania sa GMA Network kung saan siya nagsimula sa Click noon at nakilala ang mister niya ngayong si Drew Arellano. Open siya sa anumang project na ibibigay sa kanya dahil she can sing, she can act, she can host naman talaga.

Pero may isa pa raw lilipat sa GMA, isang TV host/actress/singer, pero wala pang makapagsabi kung sino siya at iba-ibang names ang lumalabas.  Mayroon kaming alam na isang celebrity na nagpaalam na sa mga dating nagma-manage sa kanya at gusto niyang siya na ang mag-manage sa sarili niya.  Planado na raw kung ano ang gagawin niya sa kanyang career.  Wala nga lamang kaming balita pa kung nakikipag-negotiate na siya sa GMA dahil ayaw niyang pagsabay-sabayin ang gagawin niya.  One at a time raw lamang para mabigyan niya ng atensiyon talaga ang kanyang gagawin.

ALL SAINTS AND ALL SOULS ANDI ASWANG CHRONICLES BLACK WIDOW MORE THAN WORDS NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with