Senior actress ikinakampanya ng asawang manalo ng best actress
Jun Nardo (Pang-masa) - October 31, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinagagana na ng maimpluwensiyang asawa ng isang senior actress ang kanyang kuneksyon sa media na hindi sakop ng entertainment page na may kinalaman sa career ng kanyang asawa. May kaugnayan ito sa nakaraang performance ng asawa sa isang movie na pang-grand slam award daw, huh!

Hindi naman daw makapalag ang nakakatanggap ng news release na hindi ilabas dahil galing ‘yon sa mas nakatataas ang posisyon sa kanila, huh! Or else, memo ng pagsuway ang matatanggap nila.

Eh kung nagalingan ang ilan sa aktres, meron naman daw nasobrahan sa ipinakitang akting niya, huh! May isang aktres na gumawa ng ibang pelikula na mas magaling sa kanya. ‘Yun nga lang, walang taong gagawa ng hakbang upang makasungkit ng acting award ang isa pang aktres, huh!

Niño feel na feel ang pagiging stage father

Anak ni Niño Muhlach sa bago niyang partner si Alonzo Muhlach. Meron siyang unang anak sa unang asawa at binatilyo na ito, si Alessandro.

Sa dalawang anak, si Alonzo ang sinasabing carbon copy niya. Mula nang lumabas ang kadaldalan sa TV, kinuha siyang kapareha ni Ryzza Mae Dizon sa Prinsesa episode ng My Big Bossing ni Vic Sotto.

Porke magkasama silang mag-ama sa Prinsesa, itinanggi agad ni Niño na package deal silang mag-ama sa festival entry ni Vic.

“Hindi po! Ha! Ha! Ha!” depensa ni Niño.

Alam din ni Onin na tinaguriang next child wonder ang anak.

“Nagwu-worry rin ako dahil baka mamaya, lagi siyang mai-compare sa akin. Eh, alam ko na  mahirap ulit-ulitin ang ginawa ko.

“Kahit even na si Ryzza, I don’t think may ibang child star na makakagawa ng forty films na puro siya ang bida because of the situation of the industry now. Iba na ang industry natin ngayon.

“Baka mamaya, i-compare siya nang i-compare, baka hindi niya magawa. Kawawa naman ‘yung bata, di ba? So wag na sanang i-compare sa akin,” paliwanag ng dating child wonder.

Ano ang feeling niya sa magandang reception ng tao sa anak?

“Natutuwa ako. Ang sarap pala ng feeling na…Kaya pala dati nagtataka ako. Ganoon pala ang mga magulang na gusto nilang mag-artista ang anak nila. Nakakatuwa ang feeling na nakikita mo ang anak mo…Ako kasi, natutuwa ako sa anak ko!” rason niya.

Mula nang manalo sa Bet on Your Baby at napanood sa Pinoy Big Brother, doon na nagsimula ang pagkagiliw ng tao sa anak niya.  Kaya naman nang sumabak sa shooting, ipinaliwang niya na trabaho ang ginagawa niya.

SRR may caravan extravaganza

Aapaw ang sigawan at tilian sa pagsisimula ng Shake, Rattle & Roll XV Caravan Extravaganza na magsisimula ngayong gabi, 6:00 p.m. sa Market! Market sa The Fort. Ngayon lang masasak­sihan ng mga tao ang bagong pakulong ito na hindi lang katatakutan ang hatid kundi pati kasiyahan na dala ng cast na pupunta sa nasabing mall.

Na-imbibe na rin kasi ng Pinoy ang kaganapan tuwing eve ng All Saint’s Day. Halos lahat ng business establishments ay nakikisakay sa okasyon at kuntodo costumes pa ang dumadalo sa ganitong kasiyahan, huh!

Gaya ng dating SRR, trilogy ang movie at ang episodes nga­yon ay ang Ulam, Ahas, at Flight 666. Mga bagong creatures ang nilikha para sa final installment ng horror franchise na kulang ang MMFF kapag walang SRR, huh!

So ihanda na ang sarili sa pananakot na magaganap tonight sa Market! Market! na magiging memorable din dahil sa pre­sence ng ilang stars ng movie gaya nina Erich Gonzales, Melai Cantiveros, at iba pa.

 

 

ALL SAINT ALONZO MUHLACH ANAK CARAVAN EXTRAVAGANZA ERICH GONZALES KAYA MELAI CANTIVEROS NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with