Michelle hanggang tikim lang sa mga nilulutong masasarap na putahe
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - October 30, 2014 - 12:00am

Magbi-birthday na si Michelle Madrigal sa Nov. 4 at hindi niya alam kung anong gimik meron ang Fil-Am niyang nobyong si Chris Ross ng PBA Petron Blaze Boosters para sa kanya.

Last year kasi, pinag-pack lang siya ng nobyo ng swimsuit at damit niya dahil may pupuntahan daw sila. Dinala siya ng cager BF nito sa Solaire Resort & Casino kung saan sila nag-dinner at nag-stay.

Hindi naman nag-i-expect si Michelle ng extra special treat sa birthday niya. Sa simpleng dinner ay masaya na si Michelle na siyempre siya dapat ang magluluto.

Ang BF din nito ang critic at taga-ubos ng niluluto niyang pagkain na natutunan ng aktres sa kanyang culinary class sa Café Isabel. Isa sa specialty ni Michelle ay ang lamb kaldereta na may maraming cheese. Mahilig din siyang gumawa ng mga pasta tulad ng lasagna. Hindi raw sila masyadong umaalis ngayon ng nobyo niya dahil sa traffic at pareho silang busy sa kani-kanilang schedule. Naglalaro lang sila sa condo ng aktres ng monopoly at ini-enjoy ang alaga nilang aso.

Kahit uso ngayon ang kasalan sa showbiz, wala pa raw ito sa plano nila. Masyado pa raw kasing maaga dahil sa mahigit isang taon pa lang silang magnobyo at hindi pa nila ganun kakilala ang isa’t isa.

Plano ni Michelle na magkaroon ng private catering or restaurant balang araw. Matatapos na siya sa kinuhang culinary arts next year.

Kahit panay ang luto ni Michelle ng masasarap na pagkain ay sexy pa rin ang aktres dahil controlled pa rin daw niya ang kanyang pagkain. Hindi naman daw niya dini-deprive ang sarili sa pagkain na gusto niya, basta small portion lang ang kain niya ay solve na.

Samantala, birthday gift na para kay Michelle ang maging bida siya sa pelikulang Bacao after 10 years ng pamamalagi niya sa showbiz.

Nagsimula nang mapanood sa mga sinehan ang Bacao na kasali sa Sineng Pambansa Horror plus Film Festival na released ng Oro De Siyete Productions at sa direksyon ni Edgardo “Boy” Vinarao.

Ka-partner ni Michelle si Arnold Reyes na marami raw nakuhang sugat dahil isang magsasaka ang role nito sa movie.

ARNOLD REYES CHRIS ROSS FILM FESTIVAL KAHIT MICHELLE MICHELLE MADRIGAL NIYA ORO DE SIYETE PRODUCTIONS PETRON BLAZE BOOSTERS SINENG PAMBANSA HORROR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with