Ryan Christian Recto nakikipag-compete na sa kamachohan ni Luis
Ryan Christian Recto nakikipag-compete na sa kamachohan ni Luis
FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - October 28, 2014 - 12:00am

Pinag-uusapan sa isang radio station ng dalawang hosts ang tungkol sa kaguwapuhan at matipunong katawan ni Ryan Christian Recto kahit bagets pa lang ito. Tanong nila ay kung hindi kaya ma-insecure si Luis Manzano sa kapatid?

Sa isang panayam kay Gov. Vilma Santos sinabi nito na maganda ang ginawa niyang pagpapalaki sa dalawang anak – walang inggitan at kumpetisyon. Fifteen years ang agwat ng kanilang edad.

“Katunayan, napaka-supportive nga ni Luis sa nakababatang kapatid at siya pa nga ang nagbabayad kay Ryan Christian kapag nagmu-Muay Thai ito at pagba-body building. Laging nakaalalay si Luis sa kanya,” anang gobernadora.

Lovi ayaw pang pakasal kay Rocco

May kumakalat na balita na magpapakasal na this January 2015 ang magnobyong sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

“Very busy pa ako sa aking career kaya hindi totoo na magpapakasal na kami ni Rocco. Marami pa akong plano sa buhay kaya malabong lumagay ako sa tahimik,” sabi ni Lovi.

Ganito rin ang pana­Pannaw ni Rocco na sa ngayon ay masaya sila sa takbo ng career at kanilang lovelife.

Aljur nahimasmasan na sa ginawang kabalbalan

May balita na gusto na ni Aljur Abrenica na makipag-ayos sa GMA Network. Ayon sa isang source, tila natauhan na ang aktor sa ginawang paglaban sa kanyang mother studio.

Naging frozen delight ang aktor. Kung matatandaan nagpa-release ito sa GMA kahit hindi pa tapos ang kontrata at sinabing hindi na siya masaya sa network.

Nasulsulan lang ang aktor ayon pa sa source kaya kumalas sa GMA sa pag-aakalang mas makabubuti ito sa kanyang career. Pero walang nangyari at nanamlay ang career nito.

Hindi naman siya pwedeng magtrabaho sa ibang network dahil may existing contract siya dito ‘di ba?

ALJUR ABRENICA LOVI LOVI POE LUIS LUIS MANZANO MUAY THAI ROCCO ROCCO NACINO RYAN CHRISTIAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with