Coco gustong mag-birthday sa Boracay pero nanghihinayang na gumastos
Vir Gonzales (Pang-masa) - October 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa Nov. 1 magiging masaya ang birthday ni Coco Martin, kasi halos lahat ng kababayan natin ay nagdiriwang sa petsang nabanggit. Kaya lang ibang klase ang celebration ni Coco, kaarawan niya, ang iba naman ay nakabantay sa puntod ng kani-kanilang mahal sa sementeryo. Happy ang actor at matatapos na ang bahay niyang ipinatatayo para sa kanyang magulang. Type sana ni Coco sa birthday niya, sa Boracay siya mag-celebrate. Kaso parang nanghihinayang naman sa gagastusin doon. Matipid talaga ang actor, yayaman talaga siya.

Vice nabiktima ng masamang espiritu?!

Medyo nagpapagaling na si Vice Ganda buhat noong maospital last week. Hindi pinaligtas ng “bad spirit” na lumiligid sa studio ng Showtime ang kan­yang pagsalakay. Naging biktima na ng bad spi­rit sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, at Bil­ly Crawford. Huling biktima si Vice Ganda na kai­langan pang isugod sa ospital. Ano kayang galit na na­ra­ramdaman ng animo’y bad spirit na nambibikti­ma ng mga host ng Its Showtime?

May nagkomento, baka raw makakabuting bawas-bawasan ng komedyante ang panlalait sa contes­tants, kahit pabiro lang ito. Siyempre, tao rin silang marunong masaktan at mapahiya sa harap ng kapwa. Kahit nga sa comedy bar, dapat iwasang magbiro ng masasakit sa mga iniinterbyu nila. Lalo na ‘yung may kapansanan dahil very sensitive sila.

Empoy suma-sideline sa TV5 para

sa pampaaral ng mga kapatid

Nakakuwentuhan namin si Empoy isang beses. Happy daw ang feeling niya na matagal na niyang crush si Kaye Abad na GF na ngayon ni Paul Jake Castillo. Hindi pa naman seryoso sa pag-ibig ang komedyante, kaya walang “pain” o “hapdi” na tumama sa puso ng nabigong binata kay Kaye. Bagong Bert “Tawa” Marcelo ang tawag ng mga kababayang taga-Baliuag, Bulacan kay Empoy. Ang yumaong komedyanteng Bert Marcelo ay taga-Baliuag din at idol pala ni Empoy. Kwento nga ng nanay ni Empoy na si Mrs. Cecil Marquez, bata pa ang anak, nagpapatawa na ito maging sa school nila noon.

Bagaman at Star Magic si Empoy, marami siyang project sa TV5 na siya ang bida. Tinatanggap niya ang offer sa TV5 dahil wala namang gaanong assignment sa Dos. May mga kapatid na pinag-aaral si Empoy kaya sayang naman daw ang mga raket ng kabilang network.

Mowpop may pa-contest sa Q.C. Hall

Sa ika-14 at 15 ng November nakatakdang magkaroon ng photo exhibit ang Pitik-silip ng Mowpop sa loob ng Quezon City Hall. May malalaking papremyong naghihintay sa sinumang mapipiling manalo. Human interest ang dapat i-emphasize sa alinmang isasaling picture. Kontakin lang si Tarsila Castanares para sa iba pang detalye.

Mga bata sa Yagit hindi mahihirap ang hitsura, para raw galing sa ibang bansa

Parang galing sa iba’t ibang bansa ang casting ng mga batang Yagit ngayon. Noon kasi talagang mukhang gusgusin ang mga batang gumaganap kaya’t mukhang makatotohanan. ‘Yung mga bata kasing napisil ng GMA ay mukhang hindi naman masasabing “yagit” dahil makikinis ang balat, at healthy looking. May yagit daw bang ang taba-taba at mukhang hindi naman inaabot ng gutom? At ‘yung bihis naman nila, hindi sila mukhang pangmahirap. Dapat tagni-tagni at mumurahing tela, para mukhang totoong dukha sa istorya.

ANNE CURTIS BALIUAG BERT MARCELO CECIL MARQUEZ EMPOY SHY VICE GANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with