Ala-Mommy Dionisia? Pilita hahataw din ng Wrecking Ball sa kanyang concert
Jun Nardo (Pang-masa) - October 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Proud lola si Pilita Corrales sa apo niyang si Janine Gutierrez. Mabait na bata raw ang apo niya kina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

“Alam mo na yan (Janine), graduate ng Ateneo. Dean’s lister ‘yan. But sabi niya, “Mamita, I want to try showbiz. If I don’t like it…But I want to earn my own money!’ Now, you ask her, you ask her, do you like it? ‘Yes,  Mamita! I liked it very much! Ayaw nang umalis ng showbiz! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Tita Pilita sa mini-presscon ng benefit concert niyang A Million Thanks To You sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel sa November 13 para sa MARE Foundation ni Dra. Loi Ejercito at line produced ng Viva Communications.

Ano naman ang masasabi niya sa boyfriend ng apo na si Elmo Magalona?

“Elmo is so nice! He’s been to the house several times and I’ve met him. Anak siya ni Francis, ‘di ba?

“Mukha namang okey sila. Sana walang ma-heart broken, ‘di ba? Kung ma-heart broken naman siya, marami naman akong experiences na puwedeng sabihin sa kanya, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Kung ano ang gagawin niya! Ha! Ha! Ha!” rason niya.

May kinalaman sa bagong album ni Tita Pilits na Duets ang ilang bahagi ng portion ng concert. Isa sa guests nga si Martin Nievera na uuwi ng bansa upang makapag-guest. Rason daw ni Martin, si Tita Pilits ang nag-discover sa kanya kaya naman obligado siyang suportahan ang discoverer niya na pinsan din pala niya.

Pero ang isang number na kinasasabikan na gawin ng Asia’s Queen of Songs ay ang version niya ng Wrecking Ball ni Miley Cyrus. May halong comedy naman daw ang bersyon niya na lagi naman niyang ginagawa ‘pag may concert siya.

Sa yumaong komedyante na si Bert Marcelo, Jr. niya natutunan ang paghaluin ang pagkanta at pagpapatawa. Sa tagal na raw niya sa showbiz, kapado na niya ang gusto at ayaw sa kanya ng manonood.

Anyway, ilan pa sa guests sa A Million Thanks To You ni Tita Pilita ay sina Sarah Geronimo, Joey Albert, Chad Borja, The Company, Jackie Lou Blanco, Wing Duo, at iba pa.

Eh sa album niyang Duets, kasama si Vic Sotto na co-star niya sa sitcom na Vampire ang Daddy Ko. Nahiya na nga lang ang Asia’s Queen of Songs na kunin na guest si Bossing dahil pumayag na ­siyang makipag-duet ng Ipagpatawad Mo sa Viva album ng seasoned performer.

AiAi wala na sa plano ang pag-aasawa

Kineri na ni AiAi delas Alas ang makipagsosyalan dahil tapos na ang shooting niya para sa movie nina Kim Chiu at Xian Lim na Past Tense. Join na si AiAi sa bridal shower ng “twin sister” niyang si Marian Rivera. Sanib-puwersa nga ang Kapuso at Kapamilya stars sa 3rd bridal shower ng Royal Bride, huh!

Quiet nga lang ang komedyana sa mga naganap sa bridal shower. Basta happy siya sa kaibigan dahil mararanasan na nito ang buhay may-asawa.

Wala nga lang post si AiAi kung mag-aasawa pa siya, huh! Naku, enjoy na lang niya ang kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan basta mas pairalin ang utak kesa sa puso, huh!

A MILLION THANKS TO YOU BERT MARCELO BUT I CHAD BORJA DADDY KO NIYA QUEEN OF SONGS TITA PILITA TITA PILITS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with