’Di lang Bell’s Palsy AiAi pinaghihinalaang nagka-mild stroke rin!
Roland Lerum (Pang-masa) - October 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagkasakit pala si Ai Ai de las Alas kamakailan kaya pansamantalang natigil siya sa paggawa ng pelikulang Past Tense. Nagka-Bell’s Palsy siya at medyo tumabingi ang mukha.  Dala raw ito ng sob­rang tension at stress plus migraine niya. Pero may nagsasabing baka nagkaroon siya ng mild stroke.  Karamihan kasi ng nagkaka-Bell’s Palsy, ‘yung inaatake.

Pero okey na ang health ni Ai Ai ngayon. Wala na siyang Bell’s Palsy kaya naipagpatuloy niya ang eksena pa niya sa PT. Blessing in disguise naman daw ang pagkakaroon niya ng sakit dahil hindi na siya kinukulit ng mga reporter tungkol sa bago niyang bagets boyfriend. Kapag nag-promote na raw ng film sila nina Kim Chiu at Xian Lim saka siya magsasalita sa anumang isyu tungkol sa kanya!

X-Mas album ni Jose Mari Chan tuloy ang paghataw

Dahil malapit nang mag-Pasko, uso na naman si Jose Mari Chan.  Basta Pasko kasi, marami na ang kumakanta ng Christmas in Our Hearts kung saan ka-duet niya ang anak niyang si Liza.

Bumisita siya sa DZMM Teleradyo sa programang Sakto at para sa kanyang CD/album :  Going Home to Christmas na may 22 tracks sa halagang P300 lang. May 18 original songs ito kasama ang Special Moments. Kung saan ‘yung tatlo niyang anak na lalaki ay kasama niyang kumakanta. May Tagalog song din siya, Pagdating ng Pasko.

Collector’s item daw ito para sa kanyang fans and supporters.

Last year niya inilabas ang nasabing album pero patuloy itong bumebenta.

Juday itinangging ginagaya si Janice

Hindi raw ginagaya ni Judy Ann Santos si Janice de Belen sa remake ng T’yanak. Ibang klase raw ng acting ang ginawa dito ni Juday.  Pero may cameo role dito sina Janice at si Lot Lot de Leon na kasama rin noon sa unang Tiyanak.

AI AI BASTA PASKO GOING HOME JANICE JOSE MARI CHAN JUDAY JUDY ANN SANTOS KIM CHIU PERO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with