Nagpa-inject din Angeline umaming lumaklak ng glutathione para pumuti!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - October 20, 2014 - 12:00am

Aliw din ang entertainment press kay Angeline Quinto sa presscon ng Beauty in a Bottle dahil napaka-honest din niya at buong ningning na inamin ang mga pagpapa-enhance na ginawa niya para gumanda siya.

Una, lumaklak siya ng glutathione para pumuti. Dapat daw ay isang beses lang, isang araw ang pag-inom pero ginawa raw niyang 2x a day, isa sa umaga at isa sa gabi. Tinodo raw niya talaga ang paglaklak.

“Pero sabi ko, bakit ganu’n na hindi naman ako pumuputi agad. So, ang ginawa ko, nagpa-inject na ako (ng glutathione),” say niya.

So, umepekto na nun’g nagpa-inject na siya?

“Medyo po. Tatlong taon, eh, eepekto na ‘yun,” natatawa niyang say.

Feeling daw niya kasi noon talaga ay hindi siya maganda, noong time na contestant pa lang siya sa Star Power dahil lahat ng kasabayan niya raw ay may hitsura lahat.

Kapag nagmo-mall show nga raw sila noon, bilang na bilang niya ang nagpapa-picture sa kanya habang sa mga kasamahan niya ay marami. Naranasan pa raw niya na naki­suyo sa kanya ang mga fans para magpa-group picture kasama ang mga contestants.

Pero ngayong nag-improve na ang beauty niya, nag-improve na rin daw ang kanyang self-confidence.

“Kung dati po, ang tiwala ko sa sarili ko, siguro nasa 20%, ngayon po, nasa 70% na,” she said.

Pero napatunayan daw niya na mas maganda siya kapag happy siya.

“Habang tumatagal, mas napapansin talaga ng tao na maganda ako kapag happy lang po ako tingnan. So, sinasabi ko sa sarili ko talaga na mas good vibes lang ‘yung dating sa tao, mas mapapansin pa pag ganu’n,” she said.

Isa sa bida ng Beauty in a Bottle si Angeline at kasama rin niya rito sina Angelica Panganiban and Assunta de Rossi. Showing na ang pelikula sa Oct. 29.

Lyca kulay pink ang kuwarto sa bagong bahay na napanalunan

Bongga ang coverage ng paglipat at house blessing ni The Voice Kids Champion Lyca Gairanod sa bago niyang bahay sa Camella Tierra Nevada sa General Trias, Cavite, a 100-hectare estate development with parks and sports facilities. Napakarami ang natuwa para sa bata lalo pa nga’t hindi naman lingid sa lahat ang dati niyang buhay.

Ang nasabing Camella house and lot ay ibinigay kay Lyca ni former Senator Manny Villar (of Camella Homes) bilang isa sa major prize niya bilang champion ng The Voice Kids.

Makikita sa bagong bahay ni Lyca ang kulay shade of brown sa labas. White naman sa sala at kitchen. Dalawang palapag ito na may dalawang kwarto sa taas. Pink ang kulay ng room ng bagets at white naman ang masters bedroom.

Na-touch kami sa sinabi ng nine-year-old champion na hindi na raw sila matutulog sa sahig o magpupunta sa evacuation center ‘pag masama ang panahon at malakas ang alon.

Sa house blessing na ginanap last Wednesday ay dumating ang TV host at anak nina Sen. Manny and Cynthia Villar na si Camille para i-welcome ang pamilya ni Lyca.

Nakakatuwa ang napakalaking pagbabago ng buhay ni Lyca dahil sa The Voice Kids. Kung dati ay nagkakalakal sila ng basura kasama ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay nangingisda para may pantustos sa kanilang pag-aaral, ngayon ay meron na silang two-storey house and lot mula sa Camella, P2-M, at recording contract sa MCA Universal na mga premyo niya sa pagkakapanalo.

Not only that, dahil tuloy-tuloy na rin siya sa showbiz. Kasama siya sa bagong serye ng Dreamscape Productions, ang Nathaniel na pagbibidahan ng bagong child actor na si Marco Pingol.

 

ANGELICA PANGANIBAN AND ASSUNTA CAMELLA CAMELLA HOMES CAMELLA TIERRA NEVADA LYCA NIYA PERO SIYA VOICE KIDS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with