Empress, gaganap bilang obsessed at suicidal na asawa kay Rayver sa Ipaglaban Mo
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Gaganap bilang isang obsessed na asawa si Empress Schuck (April) kay Rayver Cruz (Anderson) ngayong Sabado (Oktubre 18) sa Ipaglaban Mo sa pagtalakay ng programa sa kasong annulment.

Nagkakilala at nagsimulang magmahalan sina April at Anderson noong sila ay nasa kolehiyo pa lang. Mapusok at padalus-dalos sa pagdedesisyon ang dalawa, at may pagkakataon pa ngang nagtanan sila.

Kalaunan ay nadiskubre ni Anderson ang kakaibang ugali ni April na sobrang makasarili pagdating sa kanya.    

Nakasanayan rin ni April ang magbantang siya ay magpapakamatay para lang sumunod si Anderson sa mga gusto niya.    

Mas naipit pa si Anderson sa sitwasyon nang pilit silang ipinakasal ng tiyuhin ni April.

Nang hindi na makayanan ni Anderson ang lahat, napagdesisyunan niyang iwanan na ito. Kasunod nito ay naghain din siya ng annulment kung saan psychological incapacity ang ginamit niyang katwiran para mapagtibay ang kanyang laban.

Paano nagdesisyon ang korte sa kasong ito? Naipawalang-bisa ba ang kasal nila? Nararapat pa bang magsama sina April at Anderson kung madalas ay hindi sila magkasundo? Ano ang natutunan nila sa karanasang ito?

 

ANDERSON ANO EMPRESS SCHUCK GAGANAP IPAGLABAN MO KALAUNAN KASUNOD MAPUSOK RAYVER CRUZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with