Kris at AiAi malabo nang magkabalikan
Vir Gonzales (Pang-masa) - October 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dati ay ipinagsisigawan nina Kris Aquino at AiAi Delas Alas na  higit pa sa magkapatid  ang turingan nilang dalawa. Pero noong pumutok ang pangalang Vice Ganda, tumamlay ang pagiging mag-BFF (best friends forever) ng dalawa. Hanggang sa dumating ang puntong masikip na ang daigdig sa dalawang dating mag-friendship. Lalo na noong maging close si AiAi kina James Yap at Tates Gana. May nagtatanong nga, magkabalikan pa kaya ang friendship ng dalawa? O walang bago sa showbiz at paulit-ulit lang?

Gov. Vilma pagod na sa pulitika?!

Marami ang sumang-ayon sa unti-unting pagtalikod ni Governor Vilma Santos sa pagtakbo sa darating na halalan. Matagal na naman siyang nasa linya ng pulitika, kaya’t hinahanap naman ng katawan niya ang makapagpahinga at harapin ang kanyang pamilya. May nagkomento nga, sa panahon ba namang ito, sino pa ang magiging very proud kumandidato. Kapag narinig mo ang isyu ng PDAF, iisipin mong kaban ng bayan  ang karaniwang nagpapayaman sa mga pulitiko.

Mabuti na lamang, may mga pruwebang ipinagawa si Gov. Vi sa kanyang mga kababayan. Lately, malimit na magkasakit si Ate Vi dahil sa rami ng trabaho. Malaking kabawasan ang yumaong lady Friday ni Gov. Vi na si Ate Aida sa mga gawaing natutulungan niya ang gobernadora. All around kasi siya at alam nito ang lahat ng kailangan ni Gov. Vi.

Isabel Granada may problema sa asawa

May problema ba sa kanyang married life si Isabel Granada dahil malimit siyang makita na malungkot ang mga mata? May isang anak na sila ni Geryk Genasky Aguas. Isa sa mga pinakamagandang face sa showbiz si Isabel.

Antoinette walang balak makipagkasal kina Dingdong at Marian

Hindi raw a-attend ng wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, si Antoinette Taus sa darating na December. Alaga siya ngayon ni Vic del Rosario ng Viva Films. Ang tanong ay kung invited ba si Antoinette sa wedding of the year?

KC bagay na bagay magtaray

Mas matinding umarteng kontrabida si KC Concepcion kaysa pagbibida. Napatunayan niya uli ito sa Ikaw Lamang. Ibang klase kasi ang expression ng kanyang mga mata kapag nagsusuplada. At least napakinabangan ni KC ang natutunan niya sa pag-aaral sa abroad noon.

At saan naman kaya nag-taping si KC dahil nadale pa siya ng lamok na may dalang dengue? Dapat pala laging may dalang katol ang PA ng mga artista o kaya ay magpahid ng insect repellant.

 

ANTOINETTE TAUS ATE AIDA ATE VI DELAS ALAS DINGDONG DANTES GERYK GENASKY AGUAS ISABEL GRANADA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with