_pang-masa
^

Pang Movies

Solenn mas gustong unahang pakasal sina Anne at Erwan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dedma na lang si Solenn Heussaff sa lumabas na balita last Wednesday na engaged na ang kanyang kapatid na si Erwan at girlfriend nitong si Anne Curtis.

“Oh you know, there’s always something about Anne and Erwan na rumors-rumors lang, laging may break-up, laging may ganu’n, so I really don’t give a shit. I don’t read,” natatawang sabi ni Solenn nang makausap namin kahapon sa presscon ng ­Ilustrado.

Hindi raw totoong engaged na ang dalawa, at ito rin naman ang nilinaw ni Anne sa kanyang Instagram account.

“Sobrang young pa si Erwan, ayaw pa nilang dalawa,” say pa ni Solenn.

Ano ang reaksyon niya when it came out?

“Wala, I don’t react na to things like that. Hindi ako mapagpansin sa mga issues-issues,” she said.

Sino ba ang dapat mauna sa kanilang dalawa ni Erwan na magpakasal?

“Ako. Siyempre naman, ako. Si Erwan, 27 (years old) lang, bata pa siya, eh.”

Malapit na raw siyang mag-30 at may balak naman daw siyang pakasal kahit na nagli-live-in na sila ng boyfriend niyang si Nico Bolzico na isang Argentinian.

“Sa future, gusto ko (magpakasal). Ngayon, parang naging trend, so, ayoko ngayon,” natatawa niyang sabi.

“Wala namang age limit, pero sana ‘yung first baby, like 32 (years old), ganu’n,” say niya.

As usual, natanong na naman sa kanya ang ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay na as we all know ay may mabigat na pinagdadaanan ngayon.

Ayon kay Solenn, simula nang pumasok siya sa showbiz, tinatanong na sa kanya si Derek ang up to now na napakatagal na nilang wala, ang aktor pa rin ang laging tinatanong sa kanya.

Ayaw na raw niyang magkomento sa issue ni Derek pero nilinaw naman niyang noong time na sila pa ay hindi raw niya alam na may asawa ang aktor.

“Hindi talaga, nakita ko lang ngayon. Pero ayoko sanang pag-usapan. It’s not my place to talk about that,” she said.

She was only 17 then at first love raw niya ang aktor.

Anyway, sa historical drama na Ilustrado ay ginagampanan ni Solenn ang papel na Nelli Boustead na naging girlfriend ni Jose Rizal na ginagampanan naman ni Alden Richards.

Under GMA News and Public Affairs, ang naturang bayani­serye ay magsisimula na sa October 20. Kasama rin dito sina Kylie Padilla bilang Leonora Rivera, Eula Valdez, Jacklyn Jose, Ricardo Cepeda, Polo Ravales, Freddie Webb, Marco Alcaraz, Lito Legazpi, at marami pang iba.

‘Pagkamatay’ ni Joel kinabiliban

Nag-trending worldwide si Joel Torre last Wednesday night sa episode ng Ikaw Lamang kung saan ay inere ang pagkamatay ng kanyang karakter bilang Sa­muel.

Pinuri-puri ng netizens ang napakahusay na portrayal ni Joel all throughout the series at napakaraming nag-tweet na sobrang nakakaiyak ang episode lalo na nga nang i-flashback na ang mga eksena nila ni Coco Martin bilang mag-ama.

Grabe rin ang husay na ipinakita ni Coco sa kanyang breakdown scene. Sa rami ng teleserye ng aktor, nakita na namin ang pinakamahuhusay niyang performances pero ibang level ng kahusayan ang ipinakita niya nang gabing iyon.

Hindi lang si Coco at si Joel ang nagpakita ng kahusayan kundi maging si Rio Locsin and Nonie Buencamino habang tinatangisan nila ang pagkamatay ni Samuel.

Again, congrats Coco, Joel, and to the whole cast at production team of Dreamscape Productions.  

 

 

ALDEN RICHARDS ANNE AND ERWAN ANNE CURTIS COCO MARTIN DEREK DEREK RAMSAY DREAMSCAPE PRODUCTIONS ERWAN SOLENN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with