College student, ginahasa ng textmate sa Ipaglaban Mo
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang kolehiyalang nilapastangan ng lalaking nakilala lamang niya sa pakikipagtext ang karakter na gagampanan ng dating Goin’ Bulilit star na si Trina “Hopia” Legaspi sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado (Oktubre 11).

Inakala ni Janet na dumating na ang magiging una niyang nobyo nang makilala niya si Glen (Edgar Allan Guzman). Ngunit huli na noong malaman niyang isang malaking pagkakamali ang pakikipagkaibigan niya dito matapos mauwi sa panggagahasa ang akala niya’y isang date lang. Mas napuno pa ng poot ang puso ni Janet nang maulit pa ang krimen sa ikalawang pagkakataon.

Nakahanap kaya ng lakas ang dati’y kiming teenager upang lumaban para sa hustisya? Paano nabago ng bangungot na ito ang buhay ni Janet? Nakuha ba ni Glen ang parusang nararapat sa kanya?

Bahagi rin ng episode na ito na pinamagatang  Buong Tapang Na Lalaban sa direksyon ni FM Reyes sina Irma Adlawan, Kristel Fulgar, at Alex Diaz.

Huwag palampasin ang Ipaglaban Mo, ang gabay ng mga Pilipino sa kanilang karapatan at obligasyong legal, ngayong Sabado pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

 

ALEX DIAZ BAHAGI BULILIT BUONG TAPANG NA LALABAN EDGAR ALLAN GUZMAN IPAGLABAN MO IRMA ADLAWAN KRISTEL FULGAR SABADO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with