Ruru Madrid malakas sa nanay ng ka-loveteam na si Gabrielle

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - October 10, 2014 - 12:00am

Kita sa mukha ni Ruru Madrid ang pagka­dismaya nang hindi siya manalo sa kategoryang Best Breakthrough Performance by an Actor sa katatapos na 11th Golden Screen Awards na ginanap sa Teatrino Greenhills, San Juan City. Ang dami pa naman niyang dalang supporters.

Buo rin ang suporta sa kanya hindi lang ng ka-loveteam niya sa My Destiny na si Gabrielle Garcia, kundi pati ang Mommy at Daddy nito.

Mabilis namang naka-move on ang aktor nang i-comfort siya ni Gabbi (Gabrielle) habang papalabas sila ng venue ng event. May kasamang himas pa sa likod ni Ruru ang dalaga  sabay sabing okey lang na hindi siya nanalo dahil marami pa raw siyang chance na magka-award next time.
Kung pagbabasehan ang malalagkit na tingin ni Ruru at pa-sweet na pangungulit nito sa ka-partner, ang lakas ng tama nito kay Gabbi.

Mahusay din ang diskarte ni Ruru dahil una niyang kinaibigan ang Mommy ni Gabbi. Pinarinig kasi nito sa mother ng dalaga na sexy at maganda ang nanay ng young actress nang may nagtanong kung kasama rin ito sa event.

Enjoy si Ruru na kasama at katrabaho si Gabbi sa My Destiny, lalo na at may bago silang palabas sa GMA-7 na Seasons of Love Presents: My SoulMate My Soulhate.

Walang nagbabawal sa kanya na ligawan si Gabbi, pero gusto muna ni Ruru na gumanda pa ang takbo ng career nito lalo na nga’t nag-click ang tambalan nila sa TV.

Marc Justine tinalo ang matatanda sa aktingan

Wala namang malay ang 11 year old na si Marc Justine Alvares na nanalo siya bilang Best Breakthrough Performance by an Actor para sa pelikulang Transit.

Bale ba mahimbing na ang tulog nito sa upuan at ginising lang ang bagets sa hinigaan nito sa may kinalalagyan ng audience  nang tawagin ang name niya. Pupungas-pungas pa si Marc at inayos lang ni Direk Paul Soriano ang suot na shorts na maong at T-shirt ng bata bago ito umakyat ng stage. Nawala ang antok ng batang si Marc nang iabot na sa kanya ang trophy. Nagpakitang gilas pa ito ng kanyang Arabic lines nang hinilingan siya ni John Lapus (na host ng awards night), na kunwaring pinagalitan si Jun Nardo (ang over-all chairman ng The Entertainment Press Society, Inc. (ENPRESS), kung bakit siya natutulog habang on going ang awards night.

Tinalo ni Marc sa  Best Breakthrough Performance by An Actor category  ang mas matatandang aktor sa kanya na sina Adrian Cubido (Lauriana), Chino Jalandoni (“Sonata”), Mimi Juareza (Quick Change), at si Ruru Madrid (Bamboo Flowers).

ADRIAN CUBIDO AN ACTOR BAMBOO FLOWERS BEST BREAKTHROUGH PERFORMANCE CHINO JALANDONI DIREK PAUL SORIANO ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY GABBI MY DESTINY RURU MADRID
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with