^

Pang Movies

After two years ng break up, Dennis hindi pa rin nakakausap si Bianca

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Five years pa ang ibinigay ni Dennis Trillo sa sarili niya bago mag-asawa.  

Wala raw siyang nililigawan ngayon dahil ayaw niyang makahati pa ang konting oras na ibinibigay niya sa anak, ang 7-year-old son niyang si Calix.  

Personal niyang sinagot ang tanong ni Kris Aquino tungkol sa kanyang lovelife, nang mag-guest siya kahapon sa Kris TV to promote ang movie niyang showing na ngayon, ang The Janitor na nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).  Bale si Bianca King ang last na nakarelasyon ni Dennis two years ago at until now hindi raw sila nagkakausap.  

Every now and then nagkakausap sila ni Cristine Reyes at friends na ulit sila ni Jennylyn Mercado dahil may duet sila sa bagong album ng actress sa GMA Records.

 Busy si Dennis sa taping ng Hiram na Alaala na every now and then, umaakyat sila ng Baguio for some scenes sa role nila ni Rocco Nacino na parehong sundalo.  

Madalas ding binibisita ni Dennis ang ipinagagawa niyang bahay na by November, 2014, ay pwede na raw nilang lipatan ng parents niya. Gagawin na raw lamang niyang half-way house ang condominium unit niya at natawa si Dennis sa biro ni Kris na doon ba niya dadalhin ang magiging girlfriend niya?

Dingdong nilinaw ang isyu ng pagli-live in nila ni Marian

Nilinaw ni Dingdong Dantes ang issue na nagli-live-in na sila ng wife-to-be niyang si Marian Rivera.  

Hindi pa raw sila nagsasama officially ni Marian pero minsan daw nandoon siya sa bahay nito at minsan naman, si Marian ang pumupunta sa bahay niya.  

Pero kung siya raw ang tatanungin, gusto na niya. Hindi rin ikinaila ni Dingdong na gusto na niya talagang magkaanak sila ni Marian. 

Iyon din ang sabi ng actress noong siya naman ang kachika ng mga press, no problem daw kung preggy na siya bago sila ikasal ni Dingdong, kung iyon daw ang kaloob ng Diyos, dahil gusto na nilang magkaanak agad.

Pancho mas gusto ang showbiz kesa magtrabaho sa hospital

Hindi tumatanggi si Pancho Magno kahit anong role ang ibigay sa kanya sa GMA-7, dahil pinagsisikapan naman niyang gampanan iyon nang mabuti.  

Kaya kahit mahirap ang role na ibinigay sa kanya sa bago nilang afternoon prime telefantasiya na Ang Lihim ni Annasandra (ALNA), hindi siya tumang­gi.  Bilang si Jimmy, kargador sa palengke ang role niya na mai-in love kay Anna­sandra (Andrea Torres).  

First time niyang magkakaroon ng ka-love triangle dahil mahal din ni William (Mikael Daez) si Annasandra at pipilitin niyang maagaw ito, to the point na pumayag siyang maging isa ring awok kaya may transformation din siya from human to baboy ramo.  Biro niya, hindi mahirap ang transformation niya dahil nagpakita rin siya ng katawan sa katatapos na Bench fashion show.  Kailangan kasi na halos hubad siya habang ginagawa ang transformation.

Isang registered nurse si Pancho pero nagustuhan na niya ang showbiz nang maisama siya noon sa Amaya na una silang nagkasama ni Mikael. Napapanood ang ALNA pagkatapos ng Dading na final episode na ngayong Biyernes.  Sa Lunes, kasunod na ito ng bagong afternoon prime ng GMA-7, ang Yagit.

 

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

ANNASANDRA

BIANCA KING

NIYA

NIYANG

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with