Dingdong nagpaalam na sa pagkabinata!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 8, 2014 - 12:00am

Isang masaganang dinner/stag party, ang  Send-off Ba­chelor’s Party for Kapuso Primetime King Dingdong Dantes with the entertainment press ang ibinigay ng GMA 7 at ng PPL Management ni Perry Lansigan sa malapit nang ikasal na actor kay Kapuso Primetime Queen Marian Ri­vera last Monday evening. Lalong pinasaya ang gabi nang magkaroon ng parlor games na Bring Me, Tell Me and a naughty version ng Pinoy Henyo tungkol sa grooms at wedding nights na sinalihan ng mga press. Pagkatapos ng parlor games, nagpasalamat si Dingdong sa lahat ng dumalo.

“The press has always been important to me. For several years now, I’ve been hosting Christmas parties just for you. I told you that when we’ve set our wedding date, you’ll be one of the first to know and we did that. I personally want to thank all the press for you have been with me since the start of my career and when I met my bride. Now is my last time to celebrate with you as a single man. The next time we celebrate, I will already have a wife. I will see you all at the wedding.”

Piolo kontra sa ginawa ni KC

Pang-anim na taon na ni Piolo Pascual para sa taunang fund-raising fun run, ang Sunpiology: An Adventure Filled Run with the Stars na gaganapin sa Bonifacio Global City sa November 15, 3:00 p.m. Ang mga gustong mag-join ay puwedeng mag-register sa gusto nilang salihan, for 500meter run, P350; for 3 km, P700; for 5 km, P 800 at for 10 km, P 900.  Ipinaliwanag nina Piolo at Coach Rio na this year, magpi-feature sila ng obstacle courses na four elements (earth, air, fire, and water) para raw mas maging masaya ang fun run. Pero iyong tatakbo sa 10 km, hindi na dadaan sa obstacles. Puwede nang mag-register until November 12, sa Runner BGC or Toby’s at MOA, Robinson Galleria and SM The Block para sa inyong runner’s kit at official T-shirt at water bottle. Puwede rin mag-register online sa sunpiology.com.

Nagpasalamat si Piolo sa mga kapwa Kapamilya stars na hopefully, mas marami ngayon ang sasali. Ilan na sa si­guradong makakasama niyang tumakbo sina Matteo Guidicelli, Rayver Cruz, Ejay Falcon, Joem Bascon, Jessy Mendiola, Ynna Asistio, Jovit Baldivino, Marki Stroem, and Pinoy Big Brother (PBB) All in housemates. Ang proceeds ng fun run ay gagamitin sa scholarship ng mga student na ayon kay Piolo, one day ay ipi-present nila para patunayan na may mga recipient sila at para malaman ding siya ang sponsor nila.

Sa presscon, iniwasan muli ni Piolo na sagutin ang issues sa lovelife niya kahit pa sa katatapos na interview niya with E! Channel, napag-usapan ang tungkol sa ex-girlfriend niyang si KC Concepcion. Hindi pala niya nagustuhan ang interview ni KC kay Boy Abunda na isiniwalat nito ang lahat, hindi raw dapat nag-resort sa ganoon si KC.  Pero sinabi niyang: “I still love her with all my heart.  But it’s just something that she did that I wish she didn’t do.”

AN ADVENTURE FILLED RUN BONIFACIO GLOBAL CITY BOY ABUNDA BRING ME COACH RIO EJAY FALCON JESSY MENDIOLA PIOLO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with