Coco move forward na sa kontrobersiya ng ‘animal act’
Jun Nardo (Pang-masa) - October 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Welcome ang GMA Network at TV5 sa presscon ni Coco Martin kasama ang grupong Gabriela at Phi­lippine Commission for Women kahapon. Hindi ipinagkait ng Star Magic ang kanilang artista sa kalaban na network upang ma-cover ang pagbabati ng aktor sa dalawang grupo.

Lumaki nang lumaki ang isyu kay Coco na may kaugnayan sa ginawang animal act sa Bench fashion pictorial. Super nabahala ang aktor at ang manager niya sa nilikhang isyu nito na ikinawindang ng mga grupo na nagbibigay-proteksyon sa kababaihan, huh!

Naandap din siyempre si Coco dahil sa balitang may tatlo siyang endorsements na nagbanta na ililigwak siya. Milyones nga naman ang mawawala so ano ba naman ‘yung paghingi ng apology, huh!

Matapos ang nangyari, nag-tweet ang PR man ng Dreamescape na si Eric John Salut ng pahayag ng PCW. “We accept your (Coco) apology. And now is the time to move forward.”

Now it’s time rin na makialam si Coco sa kanyang gagawin sa mga ganyang fashion show bago tangga­pin, huh! Baka maglahong parang bula ang pinaghirapan niya kung hindi siya mag-iingat, huh!

Marian dalawa ang susuoting wedding gown

Gagawan din ng sikat na Pinoy fashion designer na si Francis Libiran si Marian Rivera ng mga gowns na isusuot after ng wedding nila ni Dingdong Dantes. Pinakitaan na ni Libiran ng sketches ang bride-to-be na naka-post sa Instagram account ng friend naming si Chuck Gomez.

Of course, si Michael Cinco pa rin ang gagawa ng wedding gown ni Marian. Additional gowns lang ang gagawin ni Libiran.

Bilang update sa Royal Wedding, nagkaroon na rin sila ng food tasting session sa caterer sa reception. And yet, nagagawa pa rin nilang i-enjoy ang company ng isa’t isa, huh!

Just recently, magkasamang nanood ng Shrek The Musical sina Dong at Yan at kahapon, humarap ang groom to be sa members ng press bago siya tuluyang lumagay sa tahimik!

Teka nga’t malaswa si Dingdong! He! He! He!

Matteo nilandi-landi ni John Lapuz

Si Matteo Guidicelli ang bagong ha-harass-harasin ni John Sweet Lapus sa pagbabalik niya bilang Becky Pamintuan sa Moron 5.2.

Sinampol ni Sweet ang character niya sa Wenn De­ramas movie sa nakaraang 11th Golden Screen Awards for Movies ng Entertainment Press Society. Halakhakan to the max ang audience sa mga interviews niya sa winners lalo na kay Rustica Carpio na naka-tie si Gov. Vilma Santos Recto sa best actress-drama.

Waley na kasi si Martin Escudero sa sequel ng mo­vie. Kaya si Matteo ang kinuha. Present pa rin ang ibang lalaki ni Sweet na sina Luis Manzano, Marvin Agustin, at DJ Durano.

Sa pagpasok ni Matteo sa movie, may bagong malalandi si Sweet, huh!

BECKY PAMINTUAN CHUCK GOMEZ COCO MARTIN DINGDONG DANTES ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY ERIC JOHN SALUT FRANCIS LIBIRAN GOLDEN SCREEN AWARDS MATTEO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with