^

Pang Movies

Mikael walang alam sa extension ni Megan sa Miss World

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iniiyakan pala ni Andrea Torres si Cris Villonco tuwing kaeksena niya sa kanilang bagong afternoon prime telefantasiya-drama series na Ang Lihim ni Annasandra na mapapanood na simula sa Lunes, October 6, after ng Dading.  

Bakit siya umiiyak, kuwento ni Andrea, napakahusay na kontrabida ni Cris na kahit hindi siya dapat umiyak sa eksena, napapaiyak siya dahil parang ang sungit-sungit ni Cris at ramdam niya ang galit nito sa kanya dahil kay William (Mikael Daez) na gagawin ang lahat para maagaw sa kanya.  Pero off-camera, friends sila ni Cris dahil ang bait-bait daw ng stage actress na first time lamang gagawa ng isang soap. Cris on the other hand, ay nagso-sorry naman sa mga kaeksenang inaapi siya. Ready nga raw siyang tumanggap ng bashing sa fans ni Andrea na napakahusay naman bilang si Annasandra.

Inamin ni Andrea na ito na ang pinakamahirap niyang role na nagampanan, dahil nagi­ging awok (baboy ramo) siya tuwing gabi, kaya may transformation sa kanya sa pamamagitan ng Computer Generated Imagery (CGI) na kailangang halos hubad siya pero maingat daw sina direk Albert Langitan at mga leading men niyang sina Mikael at Pancho Magno, para walang makita sa kanya. Pareho sila ni Rochelle Pangilinan (Esmeralda) na gumaganap ding isang awok at siyang sumumpa sa kanya bata pa lamang siya.  

Kasama pa rin sa cast sina Glydel Mercado, Emilio Garcia, Arthur Solinap, Joyce Burton, Erika Padilla, at Gab de Leon.  May special participation si Maria Isabel Lopez.

Third team-up na nina Andrea at Mikael ang Ang Lihim ni Annasandra na itinuturing ni Mikael na “love of my life on screen.”  Pero pagdating off-came­ra, ‘di man niya aminin, si 2014 Miss World Megan Young ang love of his life.  Paano if true na extended ang reign ni Megan until 2015, ayaw niyang mag-comment, may alam man daw siya, wala siyang karapatan na magsalita, hintayin daw ang Miss World Organization na mag-announce kung totoo iyon o hindi.

Mga nanalo sa golden screen award malalaman na

Mamayang gabi na ang 11th Golden Screen Awards na gaganapin sa Tea­trino Greenhills, San Juan City.  Hosted by our resident host John “Sweet” Lapus, bibigyang-pugay ng Entertainment Press Society (EnPress, Inc.) ang pinakamahusay na filmmakers at mga artista sa isang natatanging gabi ng parangal.

Ngayon pa lamang, nagpapasalamat na kami sa aming mga sponsors, Dr. Tam Mateo and Nash Coffee ng Manila Golden Archer Group, major sponsors sina Sen. Nancy Binay, PomePure Nexus 7P, Manila City Councilor Yul Servo, CML Beach Resort of Brgy. Nonong Casto, Lemery, Batangas, Dong Juan at 72 Mother Ignacia St, Quezon City at Manila City Vice Mayor Isko Moreno.

Sinu-sino kaya ang mapapalad na magwawagi sa 20 categories?  Si Ms. Susan Roces ang tatanggap ng Lino Brocka Lifetime Achievement Award bilang pagkilala sa kanyang husay bilang aktres at film producer.

vuukle comment

ALBERT LANGITAN

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

ANNASANDRA

MIKAEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with