Nagpaturo pa raw kung paano maglagay ng padding Stylist ibinukong peke ang nagmumurang bukol ng aktor
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 25, 2014 - 12:00am

May stylist na nagbuking sa isang male celebrity na gumamit daw ng padding sa loob ng kanyang underwear noong rumampa ito sa katatapos lamang na The Naked Truth ng Bench.

Hindi binanggit ng naturang stylist kung sino ang male celebrity na ito pero knows daw niya na may palaman ang underwear nito dahil sa kanya pa raw nagtanong ang personal assistant nito kung paano ayusin ang padding sa loob ng underwear nito.

Gulat ang stylist dahil sa ganda ng katawan ng male celebrity, insecure pala ito sa kanyang pagkalalaki.

Tsinika pa ng P.A. ni male celebrity na nakakahiya raw na lumabas siya na halos walang makitang bukol sa kanya. Baka raw ma-turn off ang mga babae’t mga bading na inaabangan siyang lumabas.

Kaya ang stylist ay tinuruan ang P.A. kung paano ayusin ang padding para mukhang natural at hindi naman daw magmukhang may sinaksak na medyas o labakara.

At siguraduhin daw na maayos dahil baka raw mawala ito sa porma kapag naglakad na ang male celebrity. Mahirap na raw mabuking na ang bukol nito ay nagpalipat-lipat ng lugar.

Noong maayos daw ay nagkaroon ng confidence bigla ang male celebrity dahil makakalaban na siya sa mga natural na malalaking bukol ng mga kasabayan niyang mga male models at celebrities.

But of course, alam ng stylist na fake ang bukol ni male celebrity kaya hindi siya kelan man mai-impress dito.

Kung ang audience ay nagwala dahil sa nakita nilang pagiging dakila ni male celebrity, alam ng stylist ang buong katotohanan.

Ngayon pa lang daw ay naaawa na ang stylist sa magiging girlfriend ni male celebrity dahil dyutay pala ito.

Rachelle Ann natupad ang pangarap na maka-duet si Lea sa Miss Saigon

Lumipad si Lea Salonga sa London para sa 25th anniversary ng Miss Saigon noong nakaraang September 23. Ginanap sa Prince Edward Theatre ang naturang anniversary.

Muling nagsama ang original cast ng Miss Saigon na unang itinanghal noong 1989 at si Lea nga ang original na Kim na ngayon ay ginagampanan ng Fil-American na si Eva Noblezada.

Dumating din ang original na gumanap na Engineer na si Jonathan Pryce. N­agharap ang 67-year old actor at ang bagong Engineer na si Jon-Jon Briones na kabahagi lang ng chorus noong 1989.

Naroon din ang original na Chris na si Simon Bowman at inawit nila ni Lea ang isa sa songs ng Miss Saigon na Last Night of the World. Ang gumaganap ngayon na Chris ay si Alastair Brammer.

Umakyat sa stage ang creator ng Miss Saigon na si Sir Cameron McKintosh at nagpasalamat ito sa performance ng mga actors at ang suporta ng marami sa Miss Saigon for the past 25 years.

 “We never thought we would ever get this chance to do it all over again. To have two fantastic casts here is just extraordinary. We are incredibly blessed.”

Nag-post nga sa Instagram ang gumaganap ngayon na Gigi sa Miss Saigon na si Rachelle Ann Go ng photo nila ni Lea Salonga noong gabing iyon at ito ang kanyang caption:

“I am still overwhelmed! Last night was just phenomenal. I still could not believe I was part of the 25th anniversary of Miss Saigon. God is amazing! Thank You.. To Ms. Lea Salonga who asked me 2 years ago if I was going to audition for Miss Saigon, salamat po... I didn’t imagine we are going to share a West End stage.. Haaay... You are an inspiration.. I will forever be grateful to all the people who helped me reach my dreams. Yes, dreams do come true...”

ALASTAIR BRAMMER CELEBRITY CHRIS LEA SALONGA MALE MISS MISS SAIGON SAIGON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with