John Lloyd-Sarah kumpirmadong may bagong pelikula
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 24, 2014 - 12:00am

Tiyak na matutuwa ang mga fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo dahil balitang muling gagawa ng movie ang Star Cinema at Viva Films na tampok ang dalawa. Bago na kaya ang concept ng story o itutuloy pa nila ang huling eksena sa It Takes a Man and a Woman na nasa honeymoon sa New York sina Miggy at Laida? Hindi kami magtataka kung ito ang magiging opening salvo ng Star Cinema at Viva Films pagkatapos ng 40th Metro Manila Film Festival sa December. Parehong nominated sina JLC at Sarah as Best Performers in a Lead Role - Musical, Comedy, sa It Takes a Man and a Woman at nominated din ang movie sa Best Motion Picture - Musical, Comedy, sa 11th Golden Screen Awards this coming October 4 sa Teatrino in Promenade Greenhills.

2G pasasayahin ng mga sikat

Kung last year, marami nang ipinamigay ang PLDT Gabay Guro (2G) na incentives sa napakaraming gurong dumalo sa grand gathering ng Filipino teachers sa SM Mall of Asia Arena (MOA), sa taong ito, mas malalaking incentives ang ipamimigay nila sa darating na grand gathering sa Linggo, October 5, sa MOA. Sa grand presscon na inihandog ng 2G, inihayag ni PLDT Gabay Guro Chairman Chaye Cabal-Revilla, muli silang nakipag-partner sa Vista Land para sa brand new house and lot sa Camella, sa AutoItalia para sa brand new APE 3-wing van, PR Savings Bank for the motorcycle, at ang Honda Phils. Inc. for the panghanap-buhay tricycle. Mamamahagi rin sila ng livelihood program packages and cash gifts.

May dagdag ding kasayahan sa mga guro ang pagdalo ng mga celebrities.  Kung last year, narinig lamang ng mga guro ang Gabay Guro tribute song na Believing in Me na isang composition ng mag-asawang Raul at Cacai Mitra at ini-record ni Regine Velaquez-Alcasid, this year, for the first time, dadalo si Regine sa celebration. Inawit din ito ni Regine sa PLDT 2G campaign nila sa US Freedom Concert tour nila last June. Nangako rin na dadalo si Pops Fernandez, A­lice Dixson, at Matteo Guidicelli.  Perennial nang performer si Derek Ramsay sa 2G at second year naman ni Ryzza Mae Dizon. Two years nang dumadalo si Marian Rivera sa 2G, pero this year, nag-beg-off muna siya at naintindihan naman nila dahil busy ang Kapuso Primetime Queen sa paghahanda sa kanyang coming wedding. Pero tiyak na marami pa ang dadalong celebrities para magbigay kasayahan sa mga guro.

BEST MOTION PICTURE BEST PERFORMERS CACAI MITRA DEREK RAMSAY FREEDOM CONCERT GABAY GURO GABAY GURO CHAIRMAN CHAYE CABAL-REVILLA IT TAKES STAR CINEMA VIVA FILMS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with