Sarah at Bea mainit ang bakbakan sa best actress award
Jun Nardo (Pang-masa) - September 15, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Si Susan Roces ang gagawaran ng Lino Brocka Lifetime Award ng Entertainment Press Society sa 11th Golden Screen Awards for Movies. Gaganapin ang awards night sa October 4, Sabado, sa Teatrino, Greenhills. Sa nominado sa Best Performance by a Lead Actress-Comedy or Musical, mahigpit ang labanan nina Sarah Geronimo para sa It Takes a Man and a Woman at Bea Alonzo sa Four Sisters and a Wedding. Sa Best Performance by a Lead Actress in Drama, sina Rustica Carpio at Vilma Santos ang mataas ang boto na nakuha sa nominasyon.

Ilalabas ng pamunuan ng Enpress ang opisyal na listahan ng nominees sa GSA for Movies this week.

Marian at Dingdong hindi prayoridad ang honeymoon

Either Australia o Hawaii ang suggestion kay Marian Rivera na honeymoon nila ni Dingdong Dantes. Pero as of now, least priority nila ang honeymoon dahil inuuna pa nila ang iba pang detalye ng kasal nila.

Rason ni Yan Yan, “lagi naman kasi kaming nagta-travel. Masarap gumala! Baka ‘pag natuloy eh, mas madalas kami sa labas at hindi sa loob ng hotel!” rason ng GMA Primetime Queen. Gustuhin man kasi nila ni Dong na matagal na honeymoon, ang showbiz commitments ang inaalala rin nilang dapat tapusin.

Mga kapitbahay nagulantang magkapatid na artistang nagpalit ng relihiyon malutong pa rin magmura!

Nagitla ang ilang kalapit bahay ng magkapatid na artista sa narinig nilang tarayan ng dalawa! Kasi naman, hindi lang simpleng tarayan ang nangyari sa magkapatid, huh!

May kasama raw malulutong na mura ang lumabas sa bibig ng magkapatid! Eh ang alam ng neighbors nila, iba na ang relihiyon nila.

Sey tuloy ng isang kapitbahay,”they don’t practice what they preach, huh!”

BEA ALONZO BEST PERFORMANCE DINGDONG DANTES EITHER AUSTRALIA ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY FOUR SISTERS GOLDEN SCREEN AWARDS IT TAKES LEAD ACTRESS LEAD ACTRESS-COMEDY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with